Shadows of the Past

1521 Words
"Lang." "Yes?" She wriggled her hand to him. "Your hand." Nakangiting ibinigay niya ang kamay dito. Ano na naman kaya ang naiisip gawin nito sa kaniya? Last night, while they were in his room, she suddenly dragged him to his bathroom and started drawing faces on his chest before they showered together and made love again. He took her like there's no tomorrow and she gave her all without inhibitions. "Bakit?" She put her hand to him and entangled their fingers together before giving him a cheeky smile. "Come on, my love." He got flustered for a second. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na sila na ni Casindra. Months of courting her finally paid off. They've been a couple secretly for five months now and he's already thinking of marrying her. Never in his entire life did he thought that he'll want to be tied down at this early age but Casindra happened and all the things he had wanted in this lifetime didn't matter anymore if his girlfriend will not be with him. Sa susunod na linggo, bago siya bumalik sa Estados Unidos ay magpo-propose na siya rito. "Ikaw a. You're taking advantage of my love for you. You know how I love you so much that's why you're doing this." Nakalabing hinila lang siya nito patungo sa kabayo nitong si Capri. Nasa paboritong tagpuan na naman sila sa gitna ng lupain ng mga angkan nila. Ilang araw na itong umuungot sa kaniya na hayaan itong ipasyal siya sa kagubatan ng Monte Vega na pagmamay-ari ng mga Alcantara. Ewan ba niya pero nabaliktad na yata sila. Kung ano ang ikina-reckless niya noon ay siya namang ikinaingat niya ngayon. The two families are currently on a broil over a mining site on the east of Cerro Roca. Mas uminit pa ang mga mata ng bawat isa sa kanila kaya naman mas nag-iingat siya. She pinched his cheek and tugged at the hem of his shirt. "I know you can't say no to me so get your ass on my horse, Asturia. I might not be as good as you in horse driving but I can still take you there safely with my baby. Right Capri?" Hinalikan nito ang ulo ng kabayo bago sumampa dito at ibinigay ang kamay sa kaniya. He found himself staring at her face. He's still in awe about the fact that she's finally his. Nahiling niya na sana ay hindi na ito matapos pa, itong meron sila, na sana ay kailanman ay hindi malaman ng kanilang mga pamilya ang kanilang relasyon. Cas is everything to him now. Hindi niya alam ang gagawin kapag nawala ito sa kaniya. "Okay, pretty woman. Take me to your sanctuary then." Tinanggap niya ang kamay nito at sumakay sa likod nito at hinayaan itong patakbuhin ang kabayo. "Cas! Casindra! Cas!" Nagpaikot-ikot siya sa parang para hanapin ang babae, desperado sa nagbabakasakaling biglang magpakita ito. "Casindra! My love! Please, come out now!" Ngunit walang sumagot sa mga tawag niya. Nanatiling tahimik ang gabi maliban lamang sa mabining hangin na nagsasayaw sa damuhan na naging saksi sa kanilang pinagsaluhang pag-iibigan noon. Napahiga siya sa lupa at lumuluhang napatingin sa buwan. Itinaas niya ang kamay sa kalangitan. "Casindra! Please, be back to me! Please!" It was not just an apparition. Nakita talaga niya ito noong isang taon sa France. Buhay si Casindra. Kilalang-kilala niya ang ngiti nito. Kahit maikli na ang buhok nito at medyo umitim ito, hindi niya kailanman makakalimutan ang pakiramdam na iyon. Casindra will be back to his arms. Kahit araw-arawin ni Nathan na lokohin siya at gamiting pain si Casindra, kakagatin niya pa rin iyon sa pag-asang makita uli ang nag-iisang babaeng minahal. "SIR, your father is looking for you." Hindi tuminag si Langdon sa pagkakatitig sa kawalan kahit narinig na niya ang boses ng secretary sa intercom. Lagus-lagusan ang kaniyang tingin sa hawak na eyeglass chain na dala niya saan man siya magpunta. Dinalaw na naman siya sa panaginip kagabi ni Alcindra. She's crying, calling for help until he smashed her head with a rock. "In," maya-maya pa ay tugon niya bago itinabi sa loob ng drawer ang chain. Pumasok si Luisito Claudio Asturia sa opisina niya sa pinakatuktok ng Asturia Security Agencies. Tumayo si Langdon at sinalubong ito at inayang maupo. "Hinahanap ka ng iyong abuelo at abuela. Wala ka raw sa kaarawan ng ninong mo," bungad nito matapos niyang dulutan ng kape. "I was away for a trip to Turkey to upgrade our security. Nakapagpaalam na ako kay mama." "And yet you didn't inform me," turan nito sa seryosong tono. Hindi siya umimik. "Let's just cut to the chase. Why are you here?" Nagbuntunghininga ito bago may inilabas na maliit na envelope at inilagay sa mesa. Binuksan niya ang dokumento na mabilis rin niyang ibinalik agad nang makaramdam nang panlalamig pagkakita pa lang sa nakangiting babae sa litrato. "Are we still not stopping? Wala na ang mga Alcantara. Hindi na sila makakabalik pa sa sirkulasyon." "Said the boy who told us that we can never eradicate the Alcantarans. Ang sabi mo noon ay imposible." Tinitigan siya nang matagal ng asawa ng ina. "Akala mo ba ay hindi ko malalaman na inaatake ka pa rin ni Nathan at hinahayaan mo lang siya. And look at your hand, I know what happened to them. Kung sinunod mo lang sana ako at itinuloy ang pagpapakadalubhasa sa Amerika, hindi mo na sana makikilala ang mga babaeng iyon at ikaw sana ang magiging susunod na pinuno ng pamilya." Mabilis na tumayo si Langdon at bumalik sa swivel chair, ang dibdib ay nagpupuyos sa galit. "You are a great husband to my mother and a good father to Cahil. Let it just stay that way. You have no business with me." "Dahil ba sa nangyari noon? You were still not able to forget it?" tanong nito na mukhang wala yatang balak na tumigil. "You are not my father. Wala akong pakialam sa mga ekspektasyon mo. Leave," hindi tumitinging taboy niya rito. "I am not asking you to do this. No one in the family will do so. Gusto ko lang na malaman mo ang plano ng pamilya. You can never run away from the ghost of the past, Langdon. You killed her. It's time you make peace with that fact. It's natural to be guilty but do not just live your life around it." Tumayo si Luisito. "Bukas na bukas din ay huhukayin na namin ang bangkay ni Alcindra." Gumewang ang pirma niya sa papel bago marahas na tumayo at sa isang iglap lang ay sakal na ang tiyuhin. Nagbabaga ang mga mata niya sa pagkamuhi. "Don't you ever do that! Wag na wag niyong gagalawin si Alcindra!" "Then you shouldn't have killed her." Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa kuwelyo nito bago umatras. Inayos nito ang nalukot na damit saka tumingin sa kaniya. "Pagpahingahin niyo na siya pakiusap. Tama na ang paglapastangan ng isang Asturia sa kaniya. Wag niyo nang dagdagan pa. I killed her. I killed Alcindra and I have been living in shame so that should be enough!" Ngunit walang bakas ng pang-unawa ang stepfather niya. "Wala ka nang magagawa pa, Langdon. Desisyon ito ng buong pamilya. Gusto lang kitang sabihan para hindi ka mabigla. It's for the future of our family, son." Kumuyom ang mga kamao niya. Kahit nang umalis ang amain ay hindi pa rin niya napanatag ang sarili kaya naman ay nagdesisyon siyang umalis. Hindi niya hahayaan ang mga itong maisagawa ang plano. He went back to cemetery to check if Alcindra's grave is still intact. But what he's seen almost drove him nuts. Sa tabi ng lapida ng babae ay ang isang bagong sinding kandila at bungkos ng plastic peonies. Iisang tao lang ang alam niyang gustong-gusto ang bulaklak na ito. His heart began to beat wildly. "Casindra," bulong niya at hinayon ang buong lugar para hanapin ang babae. "Cas! Casindra!" Hinanap niya sa bawal sulok ng sementeryo ang babae pero wala ito kaya tumakbo siya palabas patungo sa aspaltong kalsada. May mga bagong bakas pa ng paa ng kabayo. Sinundan niya ang mga ito gamit ang kotse pero natapos na ang mga bakas sa harap ng isang puno. The tracks were gone but not his hope. Bumalik siya sa opisina para tingnan ang mga footages sa CCTV camera na ipinalagay niya malapit sa sementeryo pero na-disable na ang mga iyon. Binuhay pa niya ang lahat ng mga sikretong camera pero lahat ng iyon ay hindi na gumagana maliban sa isa na parang sinadyang iwan. Hindi siya makapaniwala sa sunod niyang mga nakita. There, he saw her back while kneeling in front of the grave. "I knew it. You're alive, Cas. You're alive!" Hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha lalo na nang humarap ito at makita niya nang tuluyan ang mukha nito. She's still as ethereal as ever. She just cut her hair short but she is still Cas, his Cas. Kasabay nang pag-usbong ng kasiyahan ang pagtubo ng takot at pagsisisi sa puso niya. Casindra is alive all this time meaning his revenge against her killers is unnecessary especially killing Alcindra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD