Episode 44 MISSING YOU

2977 Words

Episode 44 MISSING YOU       Kendra Patakbo akong pumunta sa kusina at saka sumuka sa lababo. Isang b’wan na ang nakalipas simula nang umuwi ako rito sa hacienda de la Cueva. Noong araw na napagsalitaan ako ni Amethyst ng masakit at hindi ko matanggap. Natakot ako na iwan ni Enriel kaya ako na lang ang umalis. Mahirap para kay Ken pero nang makita ako ng anak ko na umiiyak ay naawa siya sa akin at sabi niya ay sasama siya kahit saan basta malayo sa asawa ng Papa niya at hindi ako maaabot para awayin at paiyakin. Nalilibang naman siya dahil sa mga bata na kalaro niya pero ramdam ko na hinahanap niya ang Papa niya. Hindi ko alam kung bakit walang nakarating dito para hanapin ako at ipaalam sa mga magulang ko na nawawala ako sa Manila. Siguro talagang hindi na ako ipinahanap ni Enriel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD