Episode 39 LOVING YOU Kendra I was stupefied. Ito na nga ang ikinatatakot ko. Hindi na ako nakaiwas sa halik ni Enriel na masyadong mapag-ari. Agresibo niyang inaangkin ang kabuuan ng labi ko katulad noong gabi na unang beses na may nangyari sa amin. Gustuhin man ng isip ko na kumontra, hindi ang katawan at damdamin ko. Alam kong imoralidad ito pero mahal ko siya. Diyos ko paano ba? Hindi ako makapag-isip nang matino at lalo lang akong nalito nang yakapin niya ako sa baywang na halos ikadurog ko. Lumalim ang halik niya at kasa-kasama na ang dila niya ngayon sa paghalik sa akin. Lalo ko lang na nahawakan ang damit niya at para bang natauhan ako nang maramdaman ko na basa ang t-shirt na suot niya. Basa ka… napadaldal ako kahit na sakop niya ang bibig ko kaya wala namang lum