Episode 18 IMPRESS ME MORE Kendra Hindi ko mapigilan ang pagpintig ng puso ko kapag tumitingin ako kay Enriel, habang kalong niya ang anak namin at nag-uusap sila ni Aling Susi tungkol sa lupa. Ayoko naman na makialam sa kanila kaya tahimik lang ako. Napapangiti ako kasi nililikot ni Ken ang lahat ng parte ng mukha niya pero wala naman siyang pakialam. Kanina pa rin ilaw nang ilaw ang cellphone niya sa ibabaw ng center table pero hindi niya pinapansin. Buong atensyon niya ay nasa topic nila ni Aling Susi at nasa bata. “Ate Kendra…” Lahat kami napatingin sa pintuan nang sumilip doon ang parang nahahapong si Alice. May pasa iyon sa mukha kaya napatayo ako kaagad. “Diyos ko mahabaging langit!” Bulalas ni Aling Susi nang makitang puro latay ang braso ng bata. “Alice? Ano na naman it