Episode 35 CLAIMING WHAT’S HIS Kendra Nahihiyang sumilip ako sa makapal na kurtina nang marinig ko ang tawanan sa labas ng mansyon. Kanina pa ako hindi lumalabas dahil nariyan ang buong pamilya ni Enriel. May hiya pa naman pala ako sa lagay na ito. Paano kasama rin pala ang lolo nila na isandaang taon na mahigit pero ang lakas-lakas pa. Nariyan din si Kuya Hermes na hindi ko alam kung bakit parang mas lalong naging bugnutin. “Ate KC, hinanahanap ka ni Kuya Enriel. Nandito ka lang pala.” Sabi ni Diana nang sumulpot sa may likuran ko. Sinenyasan ko siya na huwag maingay pero natuluyan kong kagatin ang daliri ko nang bigla ring sumulpot si Kuya Hermes. Nakatingin siya sa akin at tumatagos sa ikasiyam na buhay ko ang titig niya. “Why not try to join the gathering?” Seryosong tanong