Episode 27 BACK HOME Kendra Hindi ko mapigilan na huwag mapaiyak. Ramdam ko kasi ang bigat ng loob sa mga salita ni Enriel. Kung salita lang ang pagbabasehan ko, malamang na totoong sincere siya sa paghingi ng tawad. Sa kilos naman, parang noong unang araw pa lang na nakilala niya si Ken, ginawa na niya ang tama para mahuli ulit ang loob ko, at ‘yon ay nang hindi siya humingi ng DNA test para sa kanilang mag-ama. Para sa isang babae na katulad ko, ang laking katuwaan sa puso ko na ganoon kabuo ang tiwala niya sa akin magpahanggang ngayon, kahit na nagsinungaling ako sa kanya na marami ng lalaki ang dumaan sa akin, hindi pa rin siya naniwala. Mas pinaniwalaan pa rin niya ang dating Kendra na nakilala niya noon, na NBSB – no boyfriend since birth. Boyfriend ko ay libro at mga no