Amea POV Niyakap ko nang mahigpit ang dalawa kong anghel. I owed my life to them. Sila ang nagbigay ng lakas at tatag ng loob sa akin sa maikling panahon na pagsasama namin kaya naman tama lang ang ibinigay kong gantimpala sa kanila noon paman. I mouthed my father "Thank you." He smiled widely. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. “Father, I want them to be my official Nymphs. Gusto ko silang makasama habang nabubuhay ako.” Saad ko sa aking ama habang yakap ang dalawa. Humiwalay sila sa akin at tinignan ako sa mata ng nagtatanong, tumango lang ako sigurado ako sa desisyon ko. “Sigurado ka ba anak?” Tanong ni Ama. Ngumiti ako nang maluwang sa buong buhay ko ngayon lang ako naging sigurado. “Opo Ama, siguradong-sigurado.” Wika ko sa kanya, hinaplos-haplos niya ang kanyang bigot