"Everyone needs someone who can handle their darker sides."
- Kushandwizdom.
Our First Fight.
***
Violet Santini.
Marahas na hinila ako nito sa braso paglabas na paglabas palang namin ng sasakyan niya. Kahit magpumiglas ako ay parang wala lang 'yon sa sobrang lakas niya. Pulang pula na rin ang wrist ko sa sobrang pag hawak niya rito.
"Hunter ano ba.. Nasasaktan ako! Hunter!"
Tumigil siya at nanlilisik ang mga matang tinitigan ako nito sa mata.
"You will call me Mistress, not Hunter. Remember, slut?!"
Ouch..
Ang sakit pala kapag siya na mismo ang nagpapamukha sa'yo na isa ka lang slut sa kanya..
"Ano bang problem mo?!"
Ganting sigaw ko. Hinila niya ako sa elevator pero dahil mapilit ako, lumabas ako.
"What the f**k?!"
She hissed angrily tsaka hinarang ang katawan niya sa papasarang elevator. Hihilain niya pa sana ako nang madiing nag pumiglas na ako.
Nagulat ako at napatili nang ilagay ako nito sa balikat niya na parang isang sako lang ako ng harina. Pumasok uli siya sa elevator at pinindot ang penthouse niya.
"Ano ba! Ibaba mo 'ko! Hunter!"
Pinalo niya ang pwetan ko ng malakas. Napaiktad ako sa sakit non. It f*****g stings. Not the usual pleasure I felt when she slap my ass..
Halatang galit siya at wala akong clue kung para saan. May nagawa ba akong mali?
Pagbukas ng elevator ay binaba na niya ako at marahas na siniil ako ng nagbabagang halik sa labi. I tried to get away but her grip is so f*****g powerful.
Sapilitang pinasok niya ang dila niya sa bibig ko at ginalugad ito na parang wala siyang pinapalampas. At kahit naiinis ako at nasasaktan ay nanlalambot parin ang tuhod ko sa mga halik niya.
Nagsimula nang maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko at ewan ko pero feeling ko nadudumihan ako sa sarili ko sa way ng paghawak niya sa katawan ko ngayon. Kaya inipon ko lahat ng natitirang lakas ko sa katawan at malakas na tinulak palayo si Hunter sa 'kin kasunod ng malakas na sampal na iginawad ko sa pisngi niya.
Napa atras siya sa lakas ng impact, napalihis ang pisngi niya at medyo nagulo ang buhok nito.
"f**k Hunter, what's happening to you? Ano bang nagawa kong mali ha? Kung meron man puwede naman nating pag-usapan! Hindi 'yung dinadaan mo ako sa init ng ulo mo!"
Natungkod ko ang dalawang kamay ko sa tuhod ko sa sobrang panghihina. Mabilis na nakabawi ito at lumapit sakin at hinila ang damit ko.
"How dare you to slap me, slave?! How dare you to rise your voice at me huh?! Who do you think you are?!"
She slapped my face angrily. Tears are now forming in my eyes. She's not the Hunter I used to know. Ibang-iba ang Hunter na 'to sa harapan ko..
Hindi siya 'yung taong unti-unting bumibihag sa puso ko.. Hindi siya ang baby ko, ang girlfriend ko..
I'm seeing a different side of her na hindi ko alam ay na sa kanya pala.. Natakot ako, at higit sa lahat bumababa ang tingin ko sa sarili ko..
"Please stop.."
I said closing my eyes to suppress the tears. Nilalayo ko si Hunter sakin pero talagang malakas siya, hinuli niya 'yung mga kamay ko at marahas na hinawakan.
"You're mine, Violet. All mine. You hear me? I owned you."
Nanlilisik ang matang tumitig ako sa kanya. Pinabayaan ko nang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Sinampal ko siya ulit sa pisngi.
"You don't owned me. I'm just your submissive in bed. Nothing more.."
Natawa siya ng mapakla.
"Perfect! You said it out loud finally! Exactly, you're my submissive. And a submissive will always ask for her Dominant's permision. Rule number 1 remember?"
"In bed, yes. But not-- hmp!"
Siniil ulit ako nito ng halik. Tinataboy ko siya pero hinuli na naman niya ang mga kamay ko at marahas na sinandal ako sa pader tsaka niya pinress ang dalawang kamay ko sa side ko.
"I said stop!"
Sigaw ko tsaka siya ulit tinulak ng malakas. Lalapit pa sana siya nang nagbabagang ang mga matang tinignan ko siya sa mata.
I put a hand stop in the air. She immediately stop from her tracks.
Napailing ako.
"Wala 'to sa contract, Hunter. Hindi sinabi duon na ipilit mo 'yung sarili mo sa 'kin. If you keep doing this, then I want to get out now. Nakakasakal ka na."
Mapaklang napailing-iling siya.
"You can't do that. You signed it. You can't get out without my permission."
"I didn't sign it yet, remember?"
Napatigil siya in realization that I, indeed didn't sign the contract yet. Pinunasan ko 'yung luha sa mga mukha ko tsaka kinuha 'yung phone at susi ng bahay na bigay niya sa 'kin. Nilahad ko 'yon sa kanya.
"Here, this is yours. Take it."
Hindi siya kumibot, nakatingin lang siya sa 'kin ng seryoso. Her eyes is cold as dead.
"Magbibihis lang ako sandali and I don't want you to interfere. The money you gave me, ibabalik ko lahat 'yon, j-just give me sometime para mabayaran lahat 'yon.."
Nilapag ko 'yung susi at phone sa sahig at nagsimulang maglakad papunta sa designated bedroom ko at nagpalit ng damit.
Ginamit ko 'yung mga damit ko, tinupi ko rin 'yung gown at inayos 'yung mga ginamit ko.
Habang nag eempake ng mga damit ko ay biglang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
I cried in silence..
Pagkatapos kong mag empake ay lumabas na ako dala dala yung suit case ko. Nadatnan ko si Hunter na nakaupo sa harapan ng grand piano niya habang may hawak hawak na whiskey glass sa kamay.
Nilapitan ko siya but I made sure to keep my distance to her.
"Blade is outside, he will drive you home."
She said coldly at hindi man nito nagawang tapunan man ako ng tingin. She's just randomly tapping the keyboards of her piano.
I bit my lower lip as the tears are starting to form in my eyes again.
I open my mouth, then close it again. Debating kung anong sasabihin ko but it seems like nakabara ang lalamunan ko kaya pinili ko na lang tumango kahit hindi niya nakikita.
Binuhat ko 'yung suit case ko tsaka na naglakad papunta sa elevator. Bawat hakbang na tinatahak ko, ang bigat. At bawat hakbang ay sumisikip ang dibdib ko sa sakit.
Mas mabuti na siguro 'to. Itigil na namin habang maaga pa. Kasi baka kapag nagtagal pa, hindi na ako makaka alis pa kahit gaano ko kagustong umalis. Itigil na namin habang kaya pa ng puso ko.. Habang may natitirang dignidad pa sa katawan ko. Kasi baka hindi ko mapigilan, baka yakapin ko siya at sabihing hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko.
I push the ground floor button as I waited for the elevator door to close.
A part of me, umaasa na hahabulin niya ako, na pipigilan niya akong umalis, pero nagsara na ang elevator ay walang pumigil na Hunter sa 'kin..
Slut, b***h, owned.
Tatlong salitang binitawan niya na hindi ko akalain na sasabihin niya sa 'kin.
Akala ko totoo na 'yung mga pinakita niya sa 'kin kagabi. It was supposed to be a happy night but it turns out the opposite.
Pagbukas ng elevator ay natagpuan ko ang sarili kong napatingin sa paligid, as if memorizing it to my mind.
Natawa ako sa sarili ko dahil alam ko naman na hindi ko na ulit makikita 'to.
But at least, now I know that I'm attracted to women. Hindi ko alam na possible pala 'yung ganon. Akala ko dati, I will end up with a man. Pero ngayon, hindi ko na alam..
It's kind of overwhelming but I enjoyed it, even if I'm hurting right now.
Lumabas na ako sa elevator dala ang suit case ko. Naglakad ako patungo kay Mr. Blade na tahimik akong pinagmamasdan, nakatayo ito sa gilid ng sasakyan, sa naka bukas na ngayong back door ng kotse.
Malungkot na nginitian ko lang siya.
"Thank you for everything, Mr. Blade but I'm not going with you.."
Linagpasan ko siya at nasa bungad na ako ng exit nang tinawag ako ni Mr. Blade sa pangalan ko. Ngumiting liningon ko siya.
"Paki sabi po sa kanya, salamat na lang."
Sabi ko sabay talikod.
******
"Best, huy kausapin mo naman ako oh."
Narinig kong kumakatok at nakikiusap si Mara sa pinto ng kwarto niya. Sa bahay nila muna kasi ako nakitira. Since wala na akong bahay, naibenta na ni Hunter ang dati naming bahay, kaya rito muna ako tumuloy after that heart wrenching night.
Okay naman ang mga magulang ni Mara, tinuring na nga nila akong parang isang tunay na anak nila.
"Please, 'wag ngayon, Mara."
Ganting tugon ko habang nag mumukmok ako rito sa kama niya. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nag-iisip.
2 weeks.
Yes it's been two weeks since our fight, fight pa ba 'yon o break-up?
Natawa ako sa sarili ko. Ano namang i-b-break namin eh wala namang 'kami'.
"Best, tinatanong ka ni--"
"Mara, please."
Pag aawat ko sa sasabihin niya. Alam ko naman kasing ginagawa niya lang 'yon para kausapin ko siya ulit.
Eversince kasi nang nangyari hindi ko na muna kinausap si Mara. Since alam kong may connection ito sa best friend ni Hunter.
Ayoko muna sa ngayon. Hindi ko pa kayang may marinig or kung ano man tungkol kay Hunter. Masakit parin kasi.
"Best may tumatawag sa'yo sa cellphone ko. Jazmine daw ang pangalan.."
Agad akong napatayo sa kama at binuksan ang pinto tsaka hinablot ang phone sa kamay ni Mara pagtapos ay mabilis ko rin sinara ang pinto.
"Hello?"
"Oh hello there, Violet! Well I was wondering if you could come today, here at Hartfield?"
Nag-alinlangan akong sumagot. Paano ko ba sasabihing wala na kami ni Hunter? Nakagat ko tuloy ang kuko ko nang dahil sa nerbyos.
"Ahm, ano kasi Jazmine eh.. Ah eh, puwede ba ang taxi sa loob ng school niyo?"
Nahihiyang sabi ko. Rinig kong natawa siya at narinig ko rin si Georgina sa kabilang linya. Napangiti ako nang tanungin ni Georgina kung sino kausap ni Jazmine.
Ang cute lang nila, nakakainggit..
Oh heto na naman ako sa walang katapusang drama ko..
"Saan ka ba ngayon? Sunduin ka na lang namin ni Habibi ko.."
Napailing akong nangingiti kay Jazmine at sa girlfriend nito.
"Alam niyo ang cute niyong dalawa. Hmm i-text ko na lang sa'yo ang address ng kanto namin, liblib kasi dito baka mapano pa 'yung sasakyan mo. Nakakahiya."
Since nalaman kong isa sila sa mga mayayamang tao rito sa Pilipinas at sa ibang bansa pa, alam ko ng magagara ang mga sasakyan nila.
"No it's okay. Gamitin ko na lang 'yung isang SUV ko."
"Okay."
"Okay, see you Vi. Mwah!"
Natawa pa ako nang hablutin ni Georgina ang phone sa gf niya. Narinig ko pa silang nagbabangayan sa kabilang linya kaya ako na ang nagpatay ng call..
Napapailing nalang akong tinype ang address nila Mara tsaka sinend and message kay Jazmine. Naligo na ako at nagbihis para naman pagdating nila ay ready na ako, nakakahiya kung paghintayin ko pa sila.
Lumabas na ako ng bahay nang marinig ang busina ng kotse. Panigurado si Jazmine na 'yon, pero imbes na si Jazmine ang bumaba, si Georgina.
Napangiwing ngumiti ito sa 'kin.
"Sorry, hindi puwedeng lumabas si Jazz, baka kasi makuyog siya. So, shall we?"
"Ay naku, 'wag kang humingi ng pasensya ano ka ba, ako nga dapat ang mag sorry dahil naabala ko pa kayo.."
Ako naman ngayon ang napangiwi sa hiya. Eh sa mahiyain talaga ako anong magagawa ko.
"No. Don't be." Sabi niya ng naka ngiti.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa back seat, pinauna na niya pa akong pumasok sa sasakyan, nag thank you ako sa kanya tsaka na siya pumasok kasunod ko.
"Hi ulit."
Nakangiting bati ni Jazmine sa 'kin.
"Hi rin ulit,"
Natatawang nag wave ako sa kanya.
"Awe ang cute mo! Your eyes are really gorgeous. Anong lahi mo?"
"Hm, half Filipina and the other half is, Italian-American. Ikaw?"
Balik tanong ko. Curious kasi ako kung anong lahi rin ni Jazmine, mukha kasi siyang Swedish. Jazmine giggled.
"Seriously? Tatlo pala nationality mo. It's cute. You're adoreable. Anyway, I'm pure British."
And I already get it right away dahil sa accent nito. Hmm kaya pala. Nagkwentuhan pa kaming tatlo about sa gaganaping event ng music club nila Jazmine. At hindi ko mapigilan ma excite dahil passion ko naman talaga ang pagkanta.
Pag stop ng sasakyan ay bumaba kami sa isang malaking building.
"This is our music club. Come, we will show you around."
Nakangiting sagot nito tsaka ako hinila sa kamay nung dalawang mag jowa. At wow ha ang laki ng building, juicecolored music club pa lang ito? Eh apat na palapag kaya itong building at every floor ay pinapakita sa 'kin nila Jazmine ang rehearsal room, radio room, testing room at ang nasa 4th floor ay ang napaka laking recording studio.
Wow university ba talaga ito? I wonder tuloy kung magkano ang tuition fee rito. Lahat kasi ng nadaan naming building kanina ay pawang elite na elite ang dating. Ang lalaki ng mga building parang company building lahat sila.
"Well for the mean time, we will go to radio room for some live singing at ikaw ang unang sasalang ha? Anong gusto mong i-kanta today?"
Nagulat ako. Wait bakit sa radio room? s**t hindi ako handa.
"Sakto kasing napatawag kami sa'yo sa time na may live singing kami sa radio. By schedule kasi ang pag produce ng music, 'yung solo mo is by next week gaganapin."
Tumango tango ako. Okay I didn't know that obviously. Ugh! Violet juicecolored! Anong kakantahin mo?!
Nag-isip ako ng puwedeng i-kanta today. At naisip ko na based dapat sa mood mo ang pagkanta, depende kasi 'yon duon kasi malaking tulong ito sa kakantahin mo. Kailangan kasi feel na feel mo 'yung kanta na parang kinakanta mo 'yung puso mo mismo.
Since I'm broken hearted right now ay napagisipan kong kantahin ang unang kantang pumasok sa isipan ko.
"Kantahin ko na lang 'yung Come Back To Me by David Cook."
Nakatinginan 'yung mag jowa at kita ko ang ngiti sa mga labi nila.
"Okay, you're on. Ready ka na ba?"
Tumango ako. Pinaupo ako ni Jazmine sa kaharapan niyang microphone. Sinenyasan niya akong isuot ko na 'yung headphone kaya sinuot ko ito.
Nagsimula na siyang magsalita sa microphone at halata ko ang saya sa mga mata nito habang nagsasalita siya sa harapan ng microphone.
Nakakainggit naman 'yung saya niya. I hope maging masaya rin ako katulad ni Jazmine, someday.
"So here it is, we have a new beautiful artist over here, magpakilala ka darling,"
Sinanyasan ako ni Jazmine na magsalita tsaka may kinalikot ito sa dj pad na nasa harapan lang din niya. Tipid na ngumiti ako.
"Puwede po bang initials na lang? Nakakahiya baka sumikat ako eh."
Pabirong tugon ko dahilan para matawa kaming dalawa ni Jazmine.
"It's okay darling, whatever you want."
"Okay, my name is VS. And I hope you like this song that I will sing for all of you today. Sa mga broken hearted at naghihintay pa rin sa mga minamahal nila diyan, heto para sainyo po ito.."
Nakangiting sinimulan na ni Jazmine ang instrumental ng Come Back To Me ni David Cook.
I closed my eyes as I sang the first line of the song..
******
Come Back To Me.
***
Hunter De Laurentis.
"You say you're leaving
As you look away
I know there's really nothin' left to say
Just know I'm here
Whenever you need me
I'll wait for you"
I closed my eyes as I drank all the content of my Jack Daniels.
"Patayin mo nga 'yang radio mo, Bellarose. For f**k's sake, ang dami mong pera nag r-radio ka."
Sita ko sa best friend ko sa tabi ko. Nandito kami sa bar area niya sa condo niya.
"Hayaan mo na, ang ganda kaya ng boses ni ano.."
I rolled my eyes at her tsaka nagbukas pa ulit ng isang bote ng Jack Daniels. Hindi na ako nag abalang mag baso, lumagok na ako sa mismong bote.
"Someone's in a hurry? Bakit ka ba nag papakalasing diyan? Na mi-miss mo na siya no?"
Mapungay ang mga matang sinamaan ko siya ng tingin.
"Take your time I won't go anywhere
Picture you with the wind in your hair
I'll keep your things right where you left 'em
I'll be here for you"
"Excuse me, hindi. Siya ang umalis, then fine! Hindi ako kawalan!"
Natatawang uminom si Bellarose sa whiskey glass niya.
"Mukha kang tanga ngayon, Hunter, alam mo ba 'yon? Ngayon lang kitang nakitang nagkaganyan sa isang babae. Hear her song oh, halatang hinihintay ka lang niya."
Lumagok ulit ako sa bote tsaka tinignan si Bellarose.
"I don't care about that b***h. Ang landi pala non."
Umismid si Bellarose.
"You sound like a f*****g jealous kid na inagawan ng candy. Grow up, Hunter. Bahala ka kapag ikaw naunahan, 'wag kang lalapit sakin at ngangawa ha?"
"I'm not jealous!"
I exclaim in anger as I throw the empty bottle of Jack Daniels into the floor dahilan para magkalat ang mga bubog sa sahig.
Bellarose stare at her now messy house.
"Oh great. Wala pa naman si Mara, sino mag lilinis niyan? Tsk naman."
Rinig kong reklamo niya, pero wala lang akong pakealam at patuloy na nilagok ang alak na parang isang bottle ng mineral water.
"Hunter! Oh my gosh!"
Huling narinig ko ang sigaw ni Bellarose then next thing I knew all I see is darkness.
******
Pag gising ko ay puting ilaw agad ang nabungaran ko. Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at napagtanto kong nasa hospital pala ako.
"Oh good, you're awake at last."
Bungad sa 'kin ni Bellarose, may kasama itong morenang babae with a beautiful pair of icy blue eyes. Ngumiti iyong doctor sa 'kin.
"Hi, I'm Dra. Victoria de Rìos, you suffer from alcohol intoxication so my best opinion is don't drink any kind of alcohol beverage for at least four weeks. I'll give you a prescription for you to heal fast."
Hinilig ko lang ang ulo ko sa higaan ko at pinikit ang mga mata ko.
Rinig kong nag thank you si Bellarose sa doctor tapos nakarinig na lang ako ng mga kaluskos.
"You've heard her, Hunt. No more drinking for a few weeks at least."
Hindi ko siya pinansin. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo ko to get rid of the blinding light. Ang sakit sa mata damn it!
"Can you turn off the lights!"
Galit na sigaw ko. I just heard Bellarose sighed heavily.
"Look, Hunter, hindi mo ako yaya okay? You gotta make up your mind. Imbis na nasa business meeting ako, heto ako at nag-aalaga ng matandang nag iinarteng parang bata."
I glared at her electricfying blue eyes.
"Edi umalis ka! I didn't even ask you to babysit me. Get out!"
Hysterical na sigaw ko at halos mapunit lahat ng ugat ko sa noo at leeg sa sobrang inis at galit ko.
Tahimik na umiling-iling si Bellarose.
"Pati ako itataboy mo na rin? Gosh Hunter, grow up!"
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"What did I tell you? I told you to get out! Out! You s**t!"
Agad agad lumabas si Bellarose ng room ko sa takot. Hinila ko 'yung swero sa kamay ko dahilan para dumugo ang kamay ko tsaka ako tumayo at pinagbabasag lahat ng makita kong bagay.
"f**k!"
I screamed at napahawak sa ulo ko..
******
Pag-uwi ko sa penthouse ko ay agad akong dumaretso sa bar counter at agad nag salin ng whiskey sa baso tsaka 'yon nilagok ng walang pakundangan. I don't care kung pinagbabawal ng doctor na uminom ako. I'm still gonna do what I want to do with my life.
Hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa sobrang kalasingan at nagising na lang ako na umaga na.
I shrugged as I walk towards my room, taking a bath before going to work.
Ilang days pa akong ganoon.. Uuwi, iinom, makakatulog sa kalasingan, magigising na umaga na, maliligo then papasok sa company ko to do some errands.
Hindi na rin ako nakarinig mula kay Bellarose after that incident at the hospital.
Well I don't care, I'm used at being alone anyway.
At ngayon ay halos lahat ata ng makikita ko sa company ko ay pinapagalitan at pinag-iinitan ko. I got 15 workers quit in just one day because of my anger.
Pfft! As If I care. I can get workers in just a snap of my fingers.
Pagdating ng gabi ay umuwi akong lasing sa penthouse ko. I stumbled through but luckily I made it to my bedroom this time.
Lagi kasi ay natatagpuan na lang ako ni Blade na nasa sahig natutulog or kaya sa sofa or sa bar counter.
Even Blade ay napapagbuntungan ko nang galit sa walang kadahilanan.
I shut everyone out hell even my P.I.
I don't care..
I really don't care about them.
Kinaumagahan ay inulit ko lang ang ritual ko. Maliligo, papasok, uuwi, iinom then tulog. Then repeat it 7 days a week.
Nagtataka pa nga ako kung bakit hindi pa ako nagkakasakit sa mga ginagawa ko, but like I said, I don't give a f**k. I don't care one bit.
One night surprisingly I didn't get drunk or anything, I just stared at the outside of my floor-to-ceiling window..
Hindi ko alam kung saan saan lumilipad ang isipan ko. At nang mag stop ang iniisip ko kay Violet ay agad akong naka ramdam ng pinaghalong inis, galit at ewan pangungulila? Then biglang pumasok sa isipan ko 'yung malambing niyang boses nuong kumanta siya sa masquerade ball at duon sa radio station..
I shook my head to clear my thoughts away. Tinanggal ko na lang ang suot ko pang blazer at kumuha ng isang boteng alak at isang whiskey glass. I pour myself some of it then took a sip as I stare at the night sky outside the window.
Nararamdaman ko na naman ang umuusbong na galit sa dibdib ko kaya tinapon ko sa sahig 'yung baso at tuloy tuloy na lumagok sa mismong bote na.
Nang maubos ko 'yung isang bote ng Jack Daniels ay pabalibag kong tinapon ang bote sa sahig dahilan para tumalsik ang bubog ng bote sa iba't ibang parte ng bahay, some of it even cut my skin.
I hissed as I angrily slapped away the tiny glass that cut my skin.
Papasok na sana ako sa bed ko nang biglang naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa sahig kasabay nang mga bubog ng bote.
The last thing that I remember before passing out is Violet and her melodious singing voice.
Nagising na lang ako na nasa bed na ako, nagtaka pa ako nang makitang naka benda na ang kamay kong nasugat.
Kumunot ang noo ko.. Baka si Bellarose or si Blade? I shrugged. Who cares.
Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko, revealing the woman of my dreams this past few weeks.
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"What are you doing here? Get out."
Hindi siya nagsalita bagkus tumabi pa ito sa kama ko at nilatag ang tray na punong puno ng pagkain na tila masasarap lahat. Hindi ko na napansing hawak niya 'yon pag pasok niya.
"I said get out!"
Sigaw ko. Kita kong napalundag ito pero hindi siya natinag. She's just staring plainly at me.
"I promise aalis ako after mong kumain."
"Kaya kong kumain mag-isa. Kaya makakaalis ka na."
Umiling ito tsaka siya nag scoop ng soup sa kutsara at pinapasubo niya ito sa 'kin. Huminga ako ng malalim tsaka siya pinukulan ng masamang tingin.
Sinubo ko 'yon, para wala ng pinag-uusapan, I really want her out of here.
After I finished eating all the content of the tray ay tahimik nitong niligpit lahat ng kalat tsaka walang sabi at walang lingong likod na umalis siya ng kwarto ko.
Napa pikit ako as I took a long sigh..
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa bar counter para sana uminom pero nadatnan ko pa siya sa kusina at naglilinis duon. Ilang sandali lang ay nag pack up na siya at aalis na sana siya nang natagpuan ko ang sarili kong hinawakan ang braso niya para pigilan ito sa pag alis.
Napatingin muna siya sa kamay ko bago napunta sa mga mata ko ang tingin niya. Green eyes were confuse as to why I did what I just did.
Nataranta ako.
"Ahm, thanks I guess."
Tahimik lang na tumango siya at aalis na sana ulit siya nang pinigilan ko ito.
"Saan ka umuuwi ngayon?"
Tumaas ang dalawang kilay niya. Nataranta ulit ako at umiwas agad ng tingin.
"Umuuwi ako sa probinsya. Bumalik lang ako rito para sa pag guest ko sa radio station.."
Mahinang tumango ako tsaka biglang binitawan ang kamay niya na hawak ko.
"Blade is outside, he can take you home."
Pumasok na siya sa elevator at pinindot ang ground floor.
"No need, may susundo sa 'kin.."
I absentmindedly raised my eyebrow. At ewan ko pero agad akong pumasok sa elevator.
"Ako na ang mag hahatid sa'yo."
Determinadong saad ko sa kanya pagdating namin sa garage. Sinenyasan ko si Blade na ibigay sa 'kin ang susi ng Sedan na lagi naming gamit.
Tahimik ko siyang pinagbuksan ng pinto sa passenger seat.
"Naghihintay si--"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pasok."
Kita kong napalunok siya at nag d-debate pa siya kung sasakay ba siya o hindi. Kaya bago pa ako magalit ay ako na ang nag pasok sa kanya sa sasakyan.
Umikot ako sa driver's seat tsaka agad pinaandar ang sasakyan.
"Saan kita ihahatid?"
"Sa bus station."
Kumunot ang noo ko.
"At saan ka pupunta?"
"Uuwi."
I gave her a quick glance.
"Sa probinsya?"
Maikling tumango siya. I sighed heavily, pinipigilan ang nagsisimulang galit ko.
"Fine. I'll drive you home."
I said defeatedly tsaka ko binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan..
******