PART 72

2245 Words

****** JELLA ***** May mga kamay na masuyong humahaplos sa kanyang mga bisig. Hindi niya alam kung iyon ang nagpagising sa kanya o ano. “Jella, anak,” nang boses ng nanay niya. “Magmulat ka na. Sige na, anak,” at pakiusap nito. Sa noo naman niya ang hinahaplos nito. Sinubukan naman ni Jella na sundin ang gusto ng nanay niya ngunit animo’y kay bigat ng mga talukap ng mga mata niya sa sandaling iyon. Halos magdugtong ang mga kilay niya at gumalaw-galaw ang mga mata niya at mga labi niya na pinipilit magmulat. “Anak, tibayan mo ang loob mo para sa anak mo,” pakiusap pa ng nanay niya na kanyang pinagtakhan. Sa isip-isip niya ay bakit? Anong nangyari kay Deann. Hanggang sa may pinaalala ang utak niya. Then she groaned pitifully. Kahit nakapikit ay tumulo ang kanyang mga luha. Naalala na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD