***JELLA*** Mahaba-habang oras ang ginugol nila ni Jig sa may gilid ng dagat. Jella was enjoying Jig’s company. Para siyang nakikipag-bonding sa kanyang nakakabatang kapatid na lalaki na matagal na nawalay sa kanya. Agad nakaalalay sa kanya ang binata kapag may gagawin siya. At laging inaalala ang kanyang sikmura. Panay ang tanong kung nagugutom na ba siya. At dahil mas naging kapatid ang turing niya rito, ipinapangako niya na hindi niya hahayaang makatuluyan ito ni Lovi. Ayaw niyang magkaroon ng hipag na maldita, masyadong maingay, at palaaway. Over her dead super-duper sexy body. Minsan nag-angat siya ng paningin habang kinakagat niya ang pizza niya ay napansin niyang nakangiti ito habang may tinitipa sa cellphone. Kumakain na sila sa isang kainan na hindi kilala dahil pinagbigyan n