PART 6

1850 Words
***JELLA*** “Let’s get out of here,” akay-akay sa balikat ay inilabas ni Ryver si Jella. Sumunod din ang mga tauhan nito. “Diyos ko, ano itong nagawa ko,” ani Jella sa gitna ng pagluha. Nanginginig pa rin ang kanyang buong katawan na nababalutan lamang ng kumot. Hawak ng isang kamay niya ang kanyang mga damit na pinakuha ni Ryver sa mga tauhan. Na kay Ryver ang kanyang pulang stiletto. “Shhh...” alo sa kanya ni Ryver. Maingat siyang pinapasok sa kotse nito nang makarating sila sa labas ng villa. “Maiwan ka rito, Jig. Let me know right away what will happen,” narinig niyang utos ni Ryver sa isang tauhan nito bago pumasok sa kotse. Tabi sila at muli siyang niyakap. Kung paano sila nakarating sa kanyang apartment ay halos hindi niya namalayan. Ang bilis. Tahimik sila ni Ryver nang madaming minuto nang tumunog ang cellphone nito. “Okay. Balitaan mo ako agad,” huling sabi ni Ryver sa kausap sa cellphone. “Ano’ng sabi?” nanginginig pa rin si Jella na tanong nang marinig iyon. Kahit nasa sariling apartment unit na siya ay para ba’y nakikita niya pa rin ang madaming dugo. Yakap niya ang dalawang tuhod na sinisiksik ang katawan sa pang-isahang upuan ng sofa. “Dinala na raw sa ospital,” tipid na pagbabalita sa kanya nito. Ibinulsa ni Ryver ang cellphone pagkatapos sabihin iyon. Ang tauhan nito ang kinausap sa tawag. Ibinalita ring dumating ang mga pulis sa pinangyarihang krimen sa villa kung saan nasaksak ni Jella ang foreigner. “Namatay ba siya?” “Sana nga namatay na lang siya.” Napa-“Huh?” siya. Hindi niya nakuha ang ibig sabihin ni Ryver. Ryver sighed heavily. “Sana pinatuluyan ko na lang pala siya sa tauhan ko kanina. Ang tanga ko para hindi maisip na mabubuhay pa ang g*go na iyon.” “Ryver, ano bang pinagsasabi mo?” “Ang sinasabi ko ay pwede ka niyang isumbong sa police na ikaw nag sumaksak sa kanya oras na magising siya dahil puwede pa siyang magsalita dahil hindi mo siya napatay. And when that happens, he will definitely put you in jail.” Lalong nawalan ng kulay ang mukha ni Jella sa sinabing iyon ng kaharap. Hindi iyon sumasagi pa sa isip niya na consequence sa kanyang ginawa. Ang pinag-aalala niya lang kanina pa ay baka napatay niya ang foreigner, na kanikanina lang ay pinagdadarasal na sana huwag mangyari dahil ayaw niyang maging mamamatay tao. “Are you alright?” si Ryver nang hindi na siya nakakibo. “A-ayokong makulong,” kaysa sagutin iyon ay naluha niyang sabi. May sasabihin sana si Ryver pero hindi iyon naituloy sa biglaang pagdating ni Eyrna. Tinawagan niya ito kanina at sinabi ang nangyari upang puntahan siya. Kailangan niya ang kaibigan. “Ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng kaibigan. Kinilatis siya na animo’y nawalan siya ng bahagi sa katawan. At nang nakitang buo pa naman siya ay mahigpit na siyang niyakap. “Eyrna, nasasakal ako,” angal niya. Itinulak niya ito at pilit kinalas ang mga kamay nito sa leeg niya. “Nang-aalala ako sa ’yong bruha ka,” sabi ni Eyrna. Hinampas siya bahagya sa braso. “Ako ang papatay sa customer mong iyon kapag nakita ko siya.” “Sheb, ayokong makulong,” sabi niya. Siya naman ang yumakap rito. Naiyak na talaga siya. “Ano ka ba? Hindi ka makukulong dahil self-defense iyon. Sinasaktan ka niya kamo kanina hindi ba? Aba’y dapat lang na ipagtanggol mo ang sarili mo,” may puntong saad ni Eyrna. Hinahagud-hagod nito ang kanyang likod. “Unless maisip niyang sabihin sa police na part iyon ng trabaho niyo,” ngunit ay pagsalungat ni Ryver. “Na baka nga mas ikapahamak pa ninyong lahat sa bar, hindi lang ni Jella, dahil sa klase ng trabaho niyo na bawal sa batas. You know what I’m saying, don’t you?” Hindi na lamang siya ang tinakasan ng kulay sa mga sandaling iyon kundi pati na rin si Eyrna. Napatutop pa si Eyrna sa bunganga. “Ano’ng gagawin ko kung gano’n? Ayokong makulong.” Naiiyak na naman siya. Naglipat-lipat lang ang tingin ni Ryver sa kanilang dalawa ni Eyrna. Hindi na nagsalita pa. Naging tahimik na silang tatlo habang naghihintay ng tawag sa tauhan ni Ryver. “Ang mabuti pa ay ayusin mo na ang sarili mo, sheb,” saglit sa utos sa kanya ni Eyrna. Napatingin siya sa kanyang sarili. Hubo’t hubad pa rin siya at ang tanging tumatabing ay ang kumot na mula pa sa villa. “Halika.” Niyakag siya ni Eyrna patungong kuwarto niya. “Maiwan ka muna namin, Ryver.” Tumango ang lalaki kahit na halatang nagtaka kung bakit kilala ni Eyrna ito sa pangalan. Nagtatanong ang tingin nitong ipinukol kay Jella. Pasimpleng siniko ni Jella ang kaibigan. Napakagat-labi lang naman si Eyrna. Tapos ay nagkaunawaan na mabilis na nilang nilisan ang sala. Dahil do’n ay kahit paano naibsan ang tensyon na nararamdaman nilang magkaibigan. “Pasaway ka talaga. Binanggit mo talaga ang pangalan? Baka kung ano ang isipin niyon,” sita niya rito. Pinaupo siya sa gilid ng kama. “Nananadya ka, ‘no?” “Hindi, ah,” pagtanggi ni Eyrna. “Bigla na lang dumulas sa dila ko,” nangingiting sabi sabay tungo nito ang kanyang closet. Namili ng damit na pambahay para sa kanya. “Aisst! Ano na lang ang iniisip niyon ngayon? Baka iniisip na niya na tsinismis ko siya.” Napanoo siya. Ngayon siya nagsisisi kung bakit pinapunta pa niya ang kaibigan. Nadagdagan pa ang kanyang problema. “Kasalanan mo dahil lagi mo siyang bukang-bibig,” natatawang saad ni Eyrna. “Oh, magbihis ka na.” Saka iniabot sa kanya ang damit na napili nito para sa kanya. Short na kulay puti at maluwang na kulay pink na T-shirt ang mga iyon. Parang sasabog ang kanyang ulo nang nagbibihis na siya. Hindi na niya alam kung anong unang iisipin. Ang nangyari sa foreigner o ang kahihiyan niya kay Ryver. Napapangiwi siyang lumaba sa banyo pagkatapos. “Bakit?” tanong ni Eyrna. “Humapdi ang mga latay at paso ng sigarilyo.” Mabilis na tinungo ni Eyrna ang likod niya. Tinaas ang kanyang t-shirt. “Ang dami nito, ah. Sadista ang animal.” Ibinaba niya ang t-shirt. “Satanas kamo.” “Tama lang ang ginawa mo sa kanya,” nag-init ang ulong saad ni Eyrna. Nagpakawala lamang siya ng malalim na buntong-hininga. “Teka, bakit nga pala nando’n si Ryver? Paanong tyempo na nakasunod sa iyo? Paano niya nalaman?” tanong sa kanya ni Eyrna nang maayos na niya ang sarili. Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago sumagot. “Inamin niya sa akin na pinapasundan niya ako kay Jig. Isa sa mga tauhan niya.” Bago tumawag kanina si Jig ay iyon ang pinag-uusapan nila. Natanong niya rin kay Ryver at iyon nga ang sagot sa kanya. “At bakit ka naman pinapasundan?” “Dahil nga raw sa gusto niya sa akin. Naalala mo iyong offer niya?” “Iyong maging tutor ka ng mistress niya?” Tamad na tumango siya. “Pinapasundan niya ako para oras na magbago raw ang isip ko ay madali lang akong makakapunta sa kanya dahil nasa malapit lang ang tauhan niya sa akin.” May pagdududang napalabi si Eyrna. Pero hindi naman na kumuntra. “Ang mabuti pa ay sa labas ulit tayo. Baka may balita na naman si Jig kay Ryver,” pagkuwan ay anyaya sa kaibigan. “Ah, tama. At sana patay na.” Gusto niyang sitahin ang kaibigan dahil bad ang sinabi nito. Kinikilabutan talaga siya kapag sinasabi iyon dahil pakiramdam niya ay mamamatay tao na siya. Nga lang ay may bahagi na rin sa kanya na umaasang ganoon nga sana ang mangyari. Kahit na may kahaharapin pa rin siyang asunto kung sakali ay parang mas magaan nga yatang haharapin niya kung mamamatay na nga ang demonyo na iyon. Tahimik na nakaupo pa rin si Ryver sa kinauupuan nito nang iniwan nila. Nandoon pa rin. Tila kay lalim ng iniisip. Gayunman, nagtaas ito ng tingin nang mapansin ang kanilang presensya. “Ako nga pala si Eyrna,” pormal na pakilala ni Eyrna rito. Isang tango ang ginawa ni Ryver. The typical Ryver na hindi masalita kapag may ibang tao. “Um, nagtataka ka siguro bakit kilala kita? Kasi ano... kasi minsan napapag-usapan naming magkakaibigan ang buhay-buhay namin sa nakaraan at... at iyon na nga. Minsan ay nababanggit ka ni Jella.” Bumuntong-hininga si Ryver. “And I guess puro mga masama tungkol sa akin.” Napalabi si Eyrna at nagkibit-balikat. “Ganoon na nga.” “Hoy!” Hinampas ni Jella ang balikat ng kaibagan sa panlalaglag sa kanya. Nangingiti na tumingin si Eyrna sa kanya. “Bakit? Totoo naman, ah?” Iningusan niya ito. “Ang mabuti pa kumuha ka na lang ng makakain sa kusina,” tapos ay pagtataboy at baka kung ano pa ang masabi. “May pagkain ka sa kusina mo?” pabirong tanong ni Eyrna. “Ay, wala pala. Bumili ka na lang,” patol niya naman dito. “Lalabas ako?” angal ni Eyrna. “Si Axel na lang ang utusan kong bumili ng pagkain sa labas kung nagugutom kayo,” singit ni Ryver. Ang tinukoy ang isa pang tauhan nito. “Hindi na. Kaya na ni Eyrna,” aniya. “Sige na. Bili na,” saka dikit ang mga ngipin at bilog ang mga matang pinagtulukan niya ang kaibigan. Kamot-ulo na lang si Eyrna. Napabuntong-hininga siya nang wala na ang kaibigan. Naalala niya si Rucia? Ganito pala ang feeling ng kaibigan nilang iyon kapag kinukulit niya noon. Kaya pala laging naiinis sa kanya noon si Rucia. “Jella?” agaw-pansin sa kanya ni Ryver. “Hmm?” Dilat ang mga matang balik-tingin siya rito. “Are you feeling okay now?” Ngumiti siya’t tumango. “Pero hindi pa rin mawala ang takot ko. Paano na lang ang pamilya ko kapag makulong ako.” “You will not be imprisoned if you accept my offer.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Jella, inaalok ko pa rin sa ’yo ang trabaho na maging tutor ka ni Lovi.” Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Lovi pala ang ang pangalan ng babae nito. Pangalan pa lang ay maganda na. Siguro mala-modelo ang hitsura ng babaeng iyon sa ganda. “Ano naman ang kinalaman niyon sa nagawa ko sa foreigner?” “Malaki, Jella, dahil ang kapalit ng pagtulong ko sa ’yo upang hindi ka makulong ay iyon. Tutulungan kita sa maaabot ng makakaya ko sa problema mo basta tulungan mo lang din ako sa problema ko kay Lovi. Gagamitin ko ang pera ko pati na impluwensya kung kinakailangan matakpan lang natin ang bibig ng foerigner na iyon.” Natitig siya sa guwapong mukha nito kaysa magkomento. “Deal?” naghihintay sa sagot niyang untag sa kanya. “Ganyan mo kagusto ang Lovi na iyon? Hindi ka na naawa sa asawa mo?” kaysa sumagot ay mga tanong niya. Noon naman natigilan si Ryver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD