***** LOVI ***** “I don't have time to fool around with you, b***h!” “May kabit ang asawa mo! Niloloko ka ni Ryver!” mabilis na sabi ni Lovi bago pa man maibaba o mapatay ni Eusha ang kanyang tawag dito. “Who are you?” Naginhawaan siya. Akala niya talaga ay hindi niya makukuha ang atensyon ng isang Eusha Javier Raveza, ang dating top model ng bansa tapos ay heiress ng Vier Group of Companies na pagmamay-ari ng dating senador na si Bong Javier. Sino ba naman kasi siya para pagtuonan nito ng pansin. Isang unknown number. Mabuti na lamang at nabanggit niya ang magic word na KABIT. Kahit tagapagmana, heridera, o isa sa pinakamayang babae pa si Eusha ay katulad pa rin ito ng mga legal wives. Takot na magkaroon ng kahati sa asawa. Napangisi si Lovi. Ngayon pa lang ay nagbubunyi na siy