***JELLA*** Pinanghilakbutan si Jella nang lapitan ng dalagita – kung dalagita nga ba o mukha lang – si Ryver at walang anumang hinalikan sa labi. Walang pakialam ito kung may ibang tao. Siya na ang nahiya. Siya na ang nag-iwas ng tingin. Si Jig ang hindi, pero tulad ng dati ay nasa malayo ang tingin. Saka siguro ay sanay na kaya hindi na ito nailang. At gusto niyang mahabag sa dalagita. Ang bata pa nito para pasukin ang magulong mundo ng mga KABIT. G*gong Ryver! Porke mas matanda ng sampung taon ang asawa nito ay kumuha naman ng sampung mas bata sa kanya! Hindi na naawa sa bata! “Mabuti naman at dinalhan mo na ako ng katulong, babe,” pero nang marinig niyang sabi ni Lovi ay napamulagat siya. Biglang tingin siya rito. Tinawag ba siyang katulong? Alam niya, malayong mas marangal