***JELLA*** Gusto nang pagsisihan ni Jella ang ginawa niyang pagtanggap sa alok ni Ryver. Mukhang hindi madali ang kanyang magiging misyon ukol kay Lovi. Mailap ang dalagang maarte. Ayaw sa kanya agad kaya paano kaya niya matuturuan? Hindi kaya mapapahiya lang siya sa pinasok niyang ito? Her chest heaved as she took a deep breath. Matuling lumipas ang oras. Umaga na at kagigising lang niya. Kung sa normal na buhay niya sa Maynila ay dapat nasa labas na siya kapag hindi masyado puyat, pero dahil wala na siya roon at nandito siya sa villa na pagmamay-ari ni Ryver ay nakabaluktot pa rin sa kanyang hinihigaan. Hindi dahil komportable ang kama at aircon na wala sa kanyang apartment, kundi dahil alanganin siyang lumabas sa kanyang silid. Nag-aalangan dahil hindi niya pa alam paano pakikisamaha