GEORGE HALOS buong umaga akong nakatulala sa loob ng aking silid dahil sa labis na pag iisip. Nakatitig lamang ako sa puting sobre na nasa aking harapan. Ilang oras na akong nakikipagtalo sa aking sarili kung ano bang dapat kong gawin. Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa paanan ng kama habang nakapatong sa ibabaw noon ang puting sobre. Hindi ko na mabilang kung nakailang pabalik-balik na ako. Bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko? Kung tutuusin ay simple lamang dapat ang maging sagot dito. Wala akong anumang rason upang manatili rito kasama si Grant. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka mabilis na nag impake ng mga gamit. Sumulyap pa ako sa orasan upang masiguro kung may sapat pa akong oras bago tuluyang dumaong ang barko. I'm doing the right thing. I'm doing the right thing. Pa