GEORGE "Mauna na ako," turan ko sa kanya matapos kong magbihis. "Let's eat," malamig niyang tugon. "H-Hindi na. Malalate na rin kasi ako sa workshop. Alas-otso ang simula noon," pagdadahilan ko. "No need. I moved the workshop on 10am," kaswal nitong sagot. "You did what?" kunot-noong tanong ko sa kanya saka mabilis na lumapit sa lamesa kung saan ito nakaupo at kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo. Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay ipinagpatuloy lamang nito ang pagbabasa na tila ba wala itong naririnig. Dahil sa labis kong inis ay mabilis akong lumapit sa kinauupuan nito at saka marahas na hinablot ang binabasa nitong dyaryo. Bahagya akong natakot nang mapagtanto ko ang aking ginawa. Ngunit sa halip na magalit ay ngumisi lamang ito sa akin. "What did I do now?" tanong nito na