GEORGE "I need you," wika niya dahilan upang bigla akong mapatigil sa aking mga hakbang. Isang malutong na sampal tinugon ko sa kanya. "Huwag mo akong paglaruan, Grant," mariin kong turan. "How dare say that to my face? Gayong kaya ka narito ay upang ayusin ang pagsasama ninyo ni Alena, hindi ba?" sumbat ko sa kanya. "What?" kunot-noong turan nito na tila ba naguguluhan sa aking sinabi. "Huwag ka ng magmaang-maangan. Hindi bat narito ka kasama si Alena upang pagusapan at ayusin ang pagsasama ninyo?" nakataas ang isang kilay na turan ko. He chuckled, "Saan mo naman nasagap 'yan?". Mas lalong tumindi ang nararamdaman kong inis dahil sa ginawa nitong pagtawa. Para bang isang malaking biro lamang para sa kanya ang lahat. "You know what? It doesn't matter. Just leave me alone," turan ko