GEORGE LIWANAG na nagmumula sa sikat ng araw galing sa bahagyang nakabukas na kurtina ang gumising sa akin. Bahagya akong nag-inat habang humihikab. Napitlag pa ako nang magising akong may mainit na braso at hitang nakapulupot sa aking katawan. Natawa ako sa sarili nang muntik ko pang makalimutan ang mainit na tagpo kagabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwalang narito na siya sa aking tabi at kasama ko. Pakiramdam ko ay parang panaginip lamang ang lahat at natatakot akong magising na lang ako isang araw na wala na siya ulit. Ngunit ang mainit at umaatikabong tagpo na namagitan sa amin kagabi ang magpapatunay na hindi ito isang panaginip. Marahan kong inangat ang aking kamay at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. Bahagya itong napakislot dahil sa ginawa kong pagdampi