GEORGE
ILANG araw na ang nakalipas mula noong huling engkwentro namin ni Grant. Simula din noon ay hindi ko pa ito muling naririnig na may kasamang babae sa kanyang kwarto. Dahil din doon ay halos isang linggo na akong walang sinusulat at habang tumatagal ang araw ay papalapit ako ng papalapit sa aking deadline. Hindi ko alam ang dahilan ng biglaang pananahimik ng kabilang unit. Ilang araw ko na ring hindi masyadong nakikita ang lalaki.
Napapitlag ako nang marinig ko ang tunog ng paparating na motor. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at dali-daling tumakbo papalapit ng bintana upang silipin at kompirmahin ang aking hinala.
Halos tumalon ako sa tuwa nang masiguro kong si Grant nga iyon. Bahagya akong sumilip muli upang pagmasdan pang muli ang gwapong mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng black leather jacket at puting t-shirt na panloob. Magulo ang may kahabaan nitong buhok marahil ay dulot iyon ng pagkakasuot niya ng helmet.
Nang tuluyan na itong makapasok sa kanyang silid ay mabilis akong tumakbo patungo sa aking kusina upang magsalang ng kape. I was actually hoping that he would knock on my door and ask some coffee like he always did. I was nervously tapping my foot while staring at the coffee maker. Hindi ko alam kung ano ang binabatayan ko, ang kape ba o ang katok ni Grant.
Muntik pa kong mapatalon sa gulat nang makarinig ako ng katok sa aking pinto. Makailang ulit akong bumuga ng hangin bago tuluyang tinungo ang pinto. Nang buksan ko ang pinto ay hindi ko pa rin napigilang mapanganga nang mapagbuksan ko ang gwapong binata. Pakiramdam ko ay labis akong nangulila dahil sa ilang araw nitong pagkawala.
"Can I have some coffee?" he asked, flashing his dashing smile.
Parang wala sa sarili kong nilakihan ang buka ng pinto. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti saka tila komportable pumasok sa loob ng aking apartment at dumiretso sa loob ng kusina. Nang matauhan ako ay mabilis kong iniling-iling ang aking ulo upang mahimasmasan. I need to clear my mind. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago isinara ang pinto at sinundan ang lalaki.
Naabutan kong nagsasalin na ito ng kape sa tasa. Ngunit agad na nanlaki ang aking mata nang mapagtanto kong gamit nito ang paborito kong mug. Hindi na ako nakapag-isip ng mabuti at agad kong inagaw ang mug bago pa man ito lumapat sa kanyang labi. But it's too late before I realized the consequence of my action.
"F*ck!"
"Ouch!" halos sabay naming sigaw. Mas lalong nanlaki ang aking mata nang mapagtanto kong tumapon ang mainit na kape sa dibdib ni Grant dahil sa biglaang kong pag-agaw noon. "Oh my gosh! I'm sorry!" natataranta kong sigaw.
Hindi ko malaman kung anong una kong dapat gawin dahil na rin sa labis na pagkataranta. Napagbaling-baling ako sa aking paligid upang makahanap ng kahit anong bagay na maaari kong gamitin upang punasan ang mainit na kape na tumapon sa kanyang dibdib.
"I'm sorry!" turan ko bago natatarantang kinuha ang towel na nasa malapit ang saka mabilis na ipinunas iyon sa kanyang dibdib. Mas nakadagdag sa aking pagkataranta nang makita kong isa-isa nitong tinatanggal ang kanyang damit. Simula sa kanyang black leather jacket, kasunod ang kanyang white shirt. Halos lumuwa ang aking mata nang tumambad sa akin matikas nitong pangangatawan.
Matapos mahubad ang mga iyon ay inilahad nito ang kanyang palad sa aking harapan na tila ba inaanyayahan akong damhin ang matigas niyang dibdib. Hindi ko na masyadong pinag-isipan ang aking gagawin kaya naman mabilis kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay at saka mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Ngunit laking pagtataka ko nang bigla itong ngumisi at mahinang tumawa.
"Can I have that towel in your hand?" tanong ng lalaki.
"H-Ha?" wala sa sariling sagot ko.
"The towel, in your hand, I need it to wife off the coffee," turan nitong muli.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng pag-abot niya ng kamay sa akin.
Lutang ka, ghourl?
"Oh, yes! Yes!" natataranta kong sagot saka mabilis na inabot sa kanya ang towel na nasa aking kamay. Tahimik ko lamang itong pinagmamasdan sa kanyang ginagawa. Ilang saglit pa nga ay napansin kong pati pala ang pantalon nito ay natapon ng kape. "I spilled on your pants too," puna ko.
Lumingon ito sa akin saka makahulugang ngumisi. "Do you want me to take them off?" pilyang tanong nito. "If you don't mind, then—"
"Stop!" malakas kong sigaw dito nang mapansin kong balak na nitong tanggalin pati ang kanyang pang ibaba. Pakiramdam ko ay anumang oras ay sasabog na ako dahil sa labis na pagkapahiya.
"I thought so," makahulugang turan nito na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mukha habang patuloy na pinupunasan ang natapong kape sa kanyang katawan.
Napansin kong bahagyang namumula ang kanyang dibdib marahil ay dulot iyon ng mainit na kape.
"A-Are you hurt?" Of course! He's hurt. Anong klaseng tanong yan, Georgina?
"It's fine," maikling sagot nito saka lumingon sa akin. Bumaba ang kanyang tingin sa aking kamay na bahagya ring namumula. "Is your hand okay?" tila nag-aalang tanong nito.
Hindi ko namalayan nang mabilis itong nakalapit sa aking kinatatayuan at saka agad na hinablot ang aking kamay na bahagya ring natapunan ng kape nang agawin ko sa kanya bigla ang baso.
"It's alright—"
"Do you have aloe vera here?" putol niya sa aking sasabihin. Seryoso ang kanyang mukha at hindi ko maaninag kung anong nasa likod ng gwapong niyang mukha.
"Y-Yes," nauutal kong sagot.
Bago pa man ako makabawi sa kaba na dulot ng pagdaiti ng aming mga kamay ay agad na niya akong hinala palabas ng kusina.
"Where?" ma-awtoritado nitong tanong.
"I-In my room," tila sunud-sunuran kong tugon rito.
Iisa lang halos ang itsura ng bawat unit sa apartment na ito kaya naman hindi na ako nagtataka nang alam nito kung saan naroon ang silid. Nang makapasok kami sa loob ay agad nitong iginala ang kanyang mga mata upang hanapin kung saan naroon ang aloe vera. His eyes settles on the green container on top of my vanity table.
"Sit here," utos niya sa akin. Tila alipin akong sumunod at umupo sa gilid ng aking kama habang siya ay malalaki ang hakbang na nagtungo sa kilalagyan ng aking aloe vera. Matapos makuha iyon ay lumapit siya sa akin at naupo sa aking tabi. Tahimik niyang inabot ang aking kamay saka marahang pinahiran iyon ng aloe vera.
"Aloe vera is the best remedy for skin burn," turan pa nito habang ipinapahid ang aloe vera gel sa aking balat.
Bahagya akong napangiwi nang makaramdam ako ng kaunting kirot dahil sa pagkakalapat ng kanyang kamay sa aking napasong balat. Kung sa akin ay may hapding dulot ang pagkakatapon ng kape, siguradong ganoon din sa kanya. Kaya matapos niyang lagyan ang aking balat ay agad kong kinuha ang container na naglalaman ng aloe vera.
"H-How about you?" naiilang kong tanong.
"I'm fine," sagot nito.
"No, you're not. Kumukulong kape kaya yang tumapon sa 'yo. Lumapit ka na para malagyan ko na 'yan. 'Wag kang feeling strong d'yan," masungit kong turan. Pilit kong ikinukubli ang kabang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagtataray ko sa kanya.
He chuckled but he eventually move closer towards me. Kumuha ako ng aloe vera gel mula sa lalagyan gamit ang aking dalawang daliri saka marahan iyong ipinahid sa parte ng kanyang dibdib na bahagyang namumula. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa kaba habang pinipigilan ko ang pangiginig ng aking kamay na marahang humahaplos sa malapad niyang dibdib.
I can hear his coarse breathing. Bahagya akong nailang when he slowly leaned closer towards me. Pilit kong iwinawaksi sa aking isip ang kakaibang init na unti-unting bumabalot sa aking katawan. Napapitlag ako ng bigla niyang hawakan ang aking pulsuhan saka ito ang kusang gumaya sa aking kamay pababa sa kanyang tiyan.
"You have to cover every part and make sure that you put the gel on all the burned area," tila paos nitong bulong sa akin habang marahang pinadadausdos ang aking palad sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan.
Ako naman, bagamat kinakabahan ay bahagya ring nasisiyahan dahil sa pagkakalapat ng aking palad sa matigas nitong dibdib. Sinundan ko ng tingin ang aking kamay na malayang naglalakbay sa ibabaw ng kanyang tiyan. Then my eyes finally settled on the growing bulge in between his legs. My mind started to travel back to the nights when she used to listened to him while he was having s*x. Ito na ba ang tamang pagkakataon upang tulayan kong masilayan ang bagay na ilang araw ng nananatili sa aking isip.
"You are driving me nuts," paos nitong bulong sa akin na mas lalong nakapagpatindig ng aking balahibo.
Bumaling akong paharap sa kanya. Iilang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga labi. I can see the pure lust in his eyes. Ilang sandali kaming nagpakiramdaman at nagtitigan. Nobody wants to do the first move. Wala akong karanasan sa mga ganitong bagay dahil NBSB ako o No Boyfriend Since Birth. Ngunit hindi ko alintana iyon, ang gusto ko lamang ay ang matikman ang mapupula niyang mga labi.
Akmang susunggaban ko na ang kanyang labi nang bigla kaming makarinig ng tunog mula sa kung saan. Tila tunog iyon ng telepono ngunit sigurado akong hindi iyon sa akin dahil kabisado ko ang ringtone ko. Napabaling ako sa aking kaharap at bakas na bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Bahagya pang nakakakunot ang kanyang noo na tila ba malalim ang iniisip.
"Is that my phone?" takang tanong nito.
It took me a couple of minutes before it finally sinked in. s**t! mura ko sa aking isip. Mas lalo akong nataranta ng bigla itong tumayo saka sinundan ang pinanggagalingan ng tunog.
F*ck! What should I do? Napatampal na lamang ako sa aking noo nang mapagtanto kong wala na akong pag-asang matakasan ang kinalalagyan ko ngayon.
************************