GEORGE "Are you sure you don't want me to bring you home?" tanong ni Grant kay Blessie nang makarating kami sa tapat ng mall kung saan ito bababa. "Naku! Hindi na po Sir. Maaga pa po saka may lakad pa po kami ng mga kaibigan ko," tugon nito. "Sumama na lang kaya ako sa 'yo," turan ko kay Blessie saka dali-daling tinanggal ang pagkakabit ng seat belt ngunit hindi ko alam kung anong nangyari dahil ayaw noong matanggal. "Hindi mo kilala ang mga 'yon. Maa-out of place ka lang. Saka 'di ba sabi mo pagod ka at gusto mo nang umuwi," saad nito. Gusto ko itong sabunutan sa mga oras na iyon. Why can't she just go along with my alibi. "Sige, Sir. Salamat po. Mauuna na po ako," paalam nito bago mabilis na bumaba ng sasakyan. Ako naman ay pasimple pa ring tinatanggal ang seat belt ngunit ayaw t