"WHAT? Saan mo naman nakuha iyan?" takang tanong ni Grant. Sa halip na sumagot ay umiwas na lamang ito ng tingin sa kanya at itinuon ang kanyang mata sa labas ng bintana. Naguguluhan man ay bumalik na si Grant sa kanyang puwesto at sinimulan nang magdrive. Malapit lamang ang convenience store na kanyang hinintuan sa kanilang apartment kaya ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakarating na rin sila sa kanilang apartment. Matapos magpark sa harap ng kanilang unit ay agad na bumaba si George at susuray-suray na naglakad patungo sa kanyang unit. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay agad na siyang nahila ni Grant sa braso. Muntik pa siyang mawalan ng balanse dahil sa paghila nito kaya naman napasandal siya sa matigas na dibdib ni Grant. "Are you mad because I turned down your kiss?"