NAGISING si Addison na masakit ang kaniyang ulo. Sapo-sapo niya ang ulo na lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Bahagya pa siyang natigilan nang makita si Mikaela na naroon at nagluluto. “Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan. “And what are you cooking?” Ang maalala niya ay wala namang matinong pagkain ang nasa kusina niya na pwedeng mailuto. “Morning to you, my dear friend.” Saad ni Mikaela saka ngumiti. “Someone dropped food to cook and a medicine for headache.” Aniya. Kumunot ang nuo ni Addison. “Sino naman? At anong nangyari kagabi? Wala na akong maalala.” Sabi niya at nagtimpla ng kape. Mahinang napabuntong hininga si Mikaela at napailing. “Inuwi ka ni Stephen kagabi dahil lasing na lasing ka. Siya rin nag-asikaso sa ‘yo dahil nagsusuka ka. Gusto kon