C-1: Back Home
Kabado bente si Rose nang bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa Pilipinas na malubha ang kalagayan ng kanyang Daddy. Umiiyak ang kanyang Mommy sa phone and she's begging her to come home immediately. Ayaw sanang maniwala ni Rose sapagkat maraming beses na siyang niloko ng mga ito para lang makauwi siya. Ang dahilan palaging arrange marriage, kailangan na daw nila ng Apo sa kanya because she's not getting any younger. Ans para makuha niya ang kanyang mana kailangan ng may heir siya that time. Na labis ikinaiinis ni Rose hindi pa siya handa wala pang lalaking itinitibok ng kanyang puso kaya why she had to marry a stranger man? Hindi niya pinangarap iyon ang gusto niyang pakasalan ay ang lalaking mahal niya, mahal siya iyong nagmamahalan silang dalawa.
Ni hindi mapakali si Rose sa plane hindi ito nakatulog. Kung kaya't nakahinga ito nang maluwag nang ianunsyong palapag na sa airport ang plane na sinakyan niya. Kung kailan she's having a good time sa New York saka naman dumating ang masamang balita na sa tingin niya ay totoo naman at hindi nagkukunwari ang kanyang mga magulang.
"Welcome back, Senyorita!" Agad na bati ng tatlong lalaki na siyang susundo kay Rose.
Kilala na niya ang mga ito, the driver, and the two bodyguards niya. Ito din ang naghahatid sa kanya doon sa airport sa tuwing lalayas siya papuntang abroad.
"How's my Dad?" Bagkus ay tanong ng dalaga.
Nagkatinginan ang tatlo saka muling tumingin kay Rose.
"Nasa hospital pa po," sagot ni Randy.
"Alam ko! Ang ibig kong sabihin kumusta na ang kalagayn niya?" Giit ng dalaga.
"Eh... hindi pa po okay!" Si Morgan ang sumagot.
Marahan lang na tumango si Rose at lumulan na ito sa loob ng sasakyan. Mabilis namang kumilos ang tatlo na sumakay at ilang saglit pa ay umalis na sila sa terminal.
"Diretso na po tayo sa Mansyon Senyorita?" Tanong ni Dindo nang makalayo na sila sa terminal.
"No. Diretso tayo sa hospital," Sagot ni Rose saka na ito sumandal sa kanyang upuan at pumikit.
Wala naman nang nagsalita sa kanyang mga kasama. Kaya tahimik ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa hospital. Agad na bumaba si Rose kasunod ang sina Randy at Morgan papasok sa loob ng hospital. Dire-diretso lang sila hanggang sa private room ng Daddy ni Rose. Kumatok si Randy ng dalawang beses saka ito nagsalita kaya bumukas ang pinto at pumasok na sa loob si Rose. Naiwan naman ang dalawa sa labas ng pinto, si Ada ang nagbukas ng pinto isa sa katulong doon sa Mansyon.
"Kumusta ang Dad, Ada?" Agad na tanong ni Rose sa kaedad lang niyang anak ng katulong nila.
Nasulyapan ni Rose ang kanyang Mommy na nakatulog sa may sofa na naroon habang sa isang upuan naman ay nakayukyok din ang kapatid niyang si Rhian.
"Okay na po siya Senyorita monitoring na lang daw po," matapat na sagot ni Ada.
Nakahinga nang maluwag si Rose napapikit ito saglit at napausal ng pasasalamat sa Diyos. Tinapik niya ang balikat ni Ada at nilapitan na niya ang kanyang Mommy.
"Mom," tapik ni Rose sa balikat ni Donya Lilian.
Umungol naman ang Donya kaya inulit ni Rose na tawagin ang pangalan nito at tapikin. Pagmulat ng Donya ay mukha ni Rose ang una nitong nakita kung kaya't agad itong umayos ng kanyang upo.
"Anak! Dumating ka na pala," bulalas ng Donya at nagbeso-beso na silang mag- ina.
"After I received your call, I packed my things and bought a ticket then went on to the plane!" Sagot ni Rose sabay upo sa tabi ng kanyang Mommy.
"How's Dad?" tanong ni Rose na sumulyap sa tulog pang Daddy nito at may dextrose pa.
Bumuntonghininga naman si Donya Lilian sabay hawak sa kamay ni Rose.
"He's better now thank God! Iwasan lamang daw natin siyang galitin sa dahil traydor daw ang high blood!" Paliwanag ng Donya.
Maa nakahinga naman na si Rose ang buong akala niya ay sobrang grabe na ang kalagayan ng kanyang Ama.
"May binigay bang maintenance na gamot niya? Iyon kasi ang pagkakaalam ko kapag high blood ang isang tao," turan naman ni Rose.
"May ibinigay si Dok kailangan lang na tuloy-tuloy na iyon!" Kalmadong wika ng Donya.
"Mabuti naman Mommy ang lala ng kaba ko sa biyahe." Parang nabunutan nang tinik ang dibdib ni Rose sa mga sandaling iyon.
"Kaya anak, sundin mo na ang sinasabi ng Daddy mo. It's your own safety makinig ka sa amin!" Pakiusap ng Donya.
Nalukot naman ang mukha ni Rose sa sinabi ng kanyang Mommy.
"Talaga lang Mommy? Naisisingit niyo talaga iyang arrange marriage na gusto niyo para sa akin?" May inis sa boses ng dalaga.
Napabuntong-hininga naman si Donya Lilian na maamong nakatingin kay Rose.
"Anak, mas magandang kilalang pamilya ang mapapangasawa mo. Iyong kaibigan ng ating pamilya para siguradong maganda ang future mo!" Giit pa rin ni Donya Lilian.
"No, Mommy. Ayoko ng arrange marriage gusto ko kapag nag- asawa ako iyong lalaking mahal ko, mahal ako nagmamahalan kami. Ganoon ang pinapangarap ko," pagpupumilit naman ni Rose.
Lumungkot naman ang mukha ng Donya at sumulyap sa wala pa ring malay na si Don Vidal.
"Alang-alang man lang sana sa Ama mo," mahinang sabi ng Donya.
"Then what about me, Mommy? Naiisip niyo din ba ang nararamdaman ko? Natanong niyo ba ang gusto ko sa buhay?" Sumbat din ni Rose.
Mas na- stress siya sa kanyang pag- uwi kaysa kaninang nasa biyahe siya na nag-aalala sa kalagayan ng kanyang Daddy.
"Siya tama na muna. Magpahinga ka na at baka bukas gising na ang Daddy mo!" Masuyong pagsaway ng Donya sa papaalab ng damdamin ni Rose.
Bumuntonghininga naman si Rose at kagyat niyang kinalimutan ang hinanakit niya sa kanyang mga magulang.
"Kayo na po ang umuwi ako na ang magbabantay kay Dad." Mahinahon na ang boses ng dalaga.
"Pero kakagaling mo lang sa biyahe anak," tanggi ng Donya.
Ngumiti naman si Rose at pinakatitigan ang kanyang Mommy.
"Mas malakas ang resistensya ko Mom kaysa sa inyo. Sige na, umuwi na muna kayo. Kasama ko naman si Ate na tulog mantika," nasabi ni Rose sabay sulyap sa Ate niyang tulog pa rin at hindi namalayang dumating na siya.
Tututol pa sana si Donya Lilian subalit wala na itong nagawa pa nang ihatid ito ni Rose sa kanilang sasakyan. Pagkatapos niyang bilinan sina Randy ay bumalik na din siya sa loob ng hospital. Napagmasdan niya ang kanyang Daddy, hindi naman ito namayat. Ito pa rin ang Daddy nilang strict na masungit pero alam naman nilang may malambot na puso. Ilan na nga ba silang sumasalungat sa tradisyon ng kanilang pamilya? Ah...pangalawa pa lamang naman siya ang iba nilang kapatid ay takot mawalan ng mana. Pero siya? Hindi siya natatakot, mas kinakatakutan niyang maikasal sa maling lalaki at sa lalaking hindi niya kailanman mahal.
Kinabukasan.
Hindi namalayan ni Rose na nakaidlip pala siya sa may sofa ang dating puwesto ng kanyang Mommy. Pagmulat niya nang kanyang mga mata ay ang nakamaang na Ate Rhian niya ang kanyang nakamulatan. Pinauwi din niya kasi si Ada kagabi kasama ng kanyang Mommy para makapagpahinga na sila.
"Nasorpresa ka ba?" Tanong din ni Rose sabay hikab at umayos na siya nang upo.
"Akala ko titiisin mo Dad," wika naman ni Rhian.
"Matigas lang ang ulo ko pero hindi ang puso ko!" Sabi naman ni Rose sabay tayo at nilapitan niya ang papamulat na din niyang Ama.
"Hi, Dad! Kumusta na ang pakiramdam mo," tanong agad ni Rose nang tuluyan nang magmulat ang kanyang Daddy.
"Rose Velvet," anas naman ni Don Vidal.
"Ako nga Dad, ang pinakamaganda mong anak!" Nakangiting sagot ng dalaga.
Bahagya namang natawa si Don Vidal sabay iling-iling.
"Mas maganda ako kasi I'm the eldest!" Singit naman ni Rhian.
Napangisi naman si Rose na lumingon sa kanyang Ate Rhian.
"You're too old to compete with my beauty!" Aniya.
"Aba't tingnan mo ang babaeng ito!" Reklamo naman ni Rhian.
Napahagikhik tuloy si Rose dahil alam niyang nainis na naman ang kanyang Ate Rhian.
"Are you staying for good?" bagkus ay tanong naman ni Don Vidal kay Rose.
Tumigil naman si Rose sa kanyang paghagikgik at nag- seryoso na ito.
"Bakit Dad?" tanong naman ng dalaga.
Bumuntonghininga si Don Vidal na lumungkot ang mga mata nito.
"I'm too old Rose Velvet baka hindi ko na makita ang mga apo ko sa'yo kapag hindi ka pa nag-asawa." Sabi ng Don.
Napaikot tuloy ni Rose ang kanyang mga mata sabay sabing "here we go again!" .
"Dad mabubuhay ka pa nang matagal kasi ang masamang damo mahirap mamatay!" Prangkang tugon ni Rose.
Nagsalubong tuloy ang mga kilay ng Don at handa na nitong sermunan si Rose subalit maagap na bumawi ito.
"I'm just joking Dad to make you smile relax!" Bawi ng dalaga.
Huminga naman nang malalim si Don Vidal at napapalatak ito.
"Kailan ka ba magse-seryoso Rose Velvet?" tanong ng Don.
Kunwari ay nag- isip naman si Rose.
"Kapag nakita ko na ang Prince Charming ko!" Aniya.
"Hindi ka mabubuhay ng puro pogi lang Rose dapat stable na lalaki anf piliin mo. Kagaya ng anak nina Don Delfin, at his young age nagpapatakbo na siya ng sarili niyang kumpanya!" Saad ng Don.
Lihim na napaismid si Rose at alam na niya kung saan mapupunta ang kanilang usapan. Napalingon tuloy si Rose sa Ate niyang si Rhian na kay lawak nang ngiti. Sinamaan niya ito nang tingin sabay baling sa ama niyang nanenermon na. Wala nang nagawa pa si Rose kung hindi pakinggan na lamang niya ang mahabang sermon ng kanyang Daddy. Nagtimpi na lang siyang huwag sumagot -sagot sa Don at ang ginawa na lamang niya ay pasok sa isang tainga pagkatapos labas naman sa kabila niyang tainga.