“I’LL PICK YOU UP LATER.” Wika ni Emerson bago makababa ng kotse si Audrey.
Tumango naman si Audrey saka ngumiti. Bumaba siya ng kotse at nakita niya ang kapatid niya na bumaba rin mula sa kotse.
Audrey suddenly remembered that when she was still in Perez’s household, her sister, Freya, could go to school by car, while she would either wait for a bus or hail a taxi. It was unexpected that, one day, she could go to school by car and her husband would personally drive her to school.
Hindi pinansin ni Audrey ang nakakatandang kapatid at dumeretso na lamang sa loob ng eskwelahan.
Emerson waited for his wife to enter the school premises before he left and went to work. Today, he had many important things to deal with. But sending his wife to school was the most important thing to do.
When Audrey reached her classroom, her classmates were already painting. Ibinaba niya ang upuan sa bag saka umupo sa harap ng sarili niyang canvas. Kinuha niya ang paintbrush saka pinagmasdan ang canvas sa harapan niya.
“Uy!”
Audrey was startled when Mia suddenly appeared behind her and tapped her shoulder. Nilingon niya si Mia saka ito sinamaan ng tingin pero pangiti-ngiti lang naman ang kaibigan niya.
“How’s the honeymoon stage?” tanong ni Mia habang nakangisi.
Bahagyang natigilan si Audrey. Honeymoon? Wala namang nangyaring honeymoon bukod sa magkatabi silang natutulog ni Emerson sa iisang kama.
“Maayos naman,” sagot na lamang ni Audrey para hindi na magtanong si Mia.
Mia looked suspicious, narrowing her eyes at Audrey. “Something was not right.” Umiling siya habang nakahawak siya sa sariling baba.
“Anong hindi tama?” tanong naman ni Audrey saka naglagay ng oil paint sa palette. She dipped the brush in the oil paint.
“You looked energetic,” said Mia.
“Should I not look energetic?” tanong naman ni Audrey.
Tinignan ni Mia si Audrey mula ulo hanggang paa. “Sa hitsura ng asawa mo, inisip ko na aabutin ka ng tatlong araw bago makarekober. Pero maayos naman ang kondisyon mo.”
Kumunot ang nuo ni Audrey. “Bakit parang ayaw mo na maayos ang kondisyon ko? Tsaka ano bang pinagsasabi mo na aabutin ako ng tatlong araw bago makarekober?”
Napatitig ng ilang sandali si Mia kay Audrey.
Audrey started painting the canvas.
“What did you feel after waking up the morning after your wedding night? What did you do?” tanong ni Mia.
Hindi nakapokus si Audrey sa tanong kaibigan dahil nasa canvas ang atensiyon niya pero sinagot niya pa rin ito. “Maayos naman ang naging gising ko. Emerson prepared breakfast for us. And we went to the supermarket.”
Natawa na lamang ng mahina si Mia saka napatango. “You have a gentleman husband,” she said, and went back to her own seat.
Napasulyap naman si Audrey sa kaibigan at nagkibit ng balikat saka nagpatuloy sa pagpipinta. Just after an hour, their professor comes to visit and check their work.
“You’re married?” gulat na tanong ng professor nila Audrey nang makita nito ang singsing na suot ng estudyante.
Napatingin naman si Audrey sa suot na singsing. Tipid siyang ngumiti saka tumango. “Just recently, sir.”
Agad namang kumantyaw ang mga kaklase ni Audrey.
Pangiti-ngiti lang naman si Audrey dahil wala naman siyang alam na sasabihin.
“Many boys will have their dreams shattered,” said Jane. Isa sa mga kaklase ni Audrey.
“Oo nga.” Segunda naman ni Mia.
Nagtaka si Audrey kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa pero hindi siya sumali sa usapan. Hindi naman niya alam ang pinag-uusapan ng dalawa bakit naman sana siya sasali.
“Maganda si Audrey. Maraming nagkakagusto sa kaniya,” sabi ni Marie.
“Like what Jane had said, many dreams will be shattered. The beauty in the College of Arts was already married. Naunahan na sila.” Pagtawa ni Mia.
“Bakit ako nasali sa usapan niyo?” Sabad ni Audrey.
“Come on, Aud. Hindi mo ba alam na maraming nagkakagusto sa ‘yo dito sa college natin?” tanong ni Jane.
Itinuro ni Audrey ang sarili. “Ako?”
“Itanong mo pa si sir. Di ba, Sir?”
Tumango lang naman ang professor nila na abala sa pag-check ng mga painting.
“See?”
“Audrey, busy ka kasi kaya hindi mo napapansin ang mga ilang bagay sa paligid mo. But it’s okay. Wala namang kasi ‘yon. It was just some unimportant things.” Sabi ni Mia. Then she flipped her hair.
Napatango na lamang si Audrey saka hindi na pinansin ang mga kaklase na nag-uusap.
Audrey had more class before lunch.
And during lunchtime, Mia pulled her to the canteen. Minsan lang na pumasok siya sa loob ng canteen. Kadalasan kasi ay hindi siya kumakain ng tanghali para makatipid siya.
They ordered food first before going to find a vacant table. May bakanteng lamesa sa isang sulok kaya doon sila naupo ni Mia.
“Woah!” Mabilis na hinawakan ni Mia ang kamay ni Audrey saka pinagmasdan ang dalawang singsing sa kamay nito.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Audrey.
“Is this your wedding ring?” tanong ni Mia habang namamanghang nakatingin sa suot na singsing ni Audrey.
Tumango si Audrey. “My engagement and my wedding ring.” Sa totoo lang, ayaw niya sanang isuot dahil baka mawala niya. Hindi niya ito kayang bayaran pero sabi ni Emerson na isuot niya.
Audrey’s wedding ring was an elegant rose gold filled with luxury crystal. The wedding rings were a customized ring from France, according to Emerson. Hindi na niya tinanong kung ilan ang presyo dahil alam niyang mahal.
“It looks expensive.”
Ngumiti lang si Audrey saka tinanggal ang suot na wedding ring. Sandali pa siyang natigilan nang makita niya ang letra na nakaukit sa band ng singsing. A & E. Does it stand our name?
Audrey shrugged and put back her ring on her finger. She started to dig into her food.
Habang kumakain sila ni Mia, may isang lalaki ang umupo sa bakanteng upuan sa pwesto nila. 4-seater ang upuan nila kaya naman may bakante pa sa upuan ni Mia at Audrey.
“Hi,” the boy greeted with a smile.
Audrey leaned to Mia. “Sino ‘to?” pabulong niyang tanong kay Mia.
Natawa si Mia dahil halatang hindi kilala ni Audrey ang lalaking nasa harapan nila kahit pa kilala ito sa buong University.
“I’m Xander,” pakilala ng lalaki. “Matagal na kitang nakikita na dumadaan sa department namin. I’m from Business Education, by the way.”
Tumango si Audrey saka nagpatuloy sa pagkain.
Yumuko naman si Mia upang itago ang kaniyang ngiti.
Xander greeted Mia. “Hi, Mia.”
Mia just nodded her head. “Nice to see you again. Anong nakain mo at lumapit ka sa amin? Go away. Some girls are already looking at us as if we were snatching you away from them.”
Audrey looked at Mia. They seem to know each other. Nagkibit siya ng balikat at kumain.
“Insan, pakilala mo naman ako,” pabulong na sabi ni Xander.
Napailing naman si Mia. Halata talaga sa galawan ng mga lalaki kung gusto nilang pumorma. Pero para wala namang masabi ang pinsan niya, ipinakilala niya ito kay Audrey kahit alam niyang hindi interesado ang kaibigan niya. “Audrey, he is my cousin. You know him?”
Umiling si Audrey.
Tumango si Mia saka tumingin sa pinsan. “Naipakilala na kita.”
“Are you from the College of Arts too?” Xander asked Audrey.
Sumulyap si Audrey kay Xander saka tumango. Uminom siya ng tubig saka napatingin sa cellphone na nakapatong sa may lamesa nang umilaw ito. Hindi namalayan ni Audrey na napangiti na lamang siya nang makitang may text sa kaniya si Emerson.
‘Kumain ka na ba?’
‘Yep, katatapos ko lang. How about you?’ Audrey hit send.
Mia tried to peek at Audrey’s phone when she saw her smiling. Pero nakita siya ni Audrey at inilayo nito ang cellphone sa kaniya.
“No peeking, my friend.”
Natawa ng mahina si Mia saka napailing. Kahit hindi niya tanungin, alam ni Mia na ang asawa ni Audrey ang ka-chat ng kaibigan. The smile says it all.
Tatayo na sana si Audrey para ibalik ang pinagkainan niya nang maunahan siya ni Xander.
“Let me.”
Audrey looked at Mia. Kinuha ni Xander ang pinagkainan niya pero hindi nito kinuha ang pinagkainan ni Mia.
Mia only shrugged her shoulders.
Napailing si Audrey. “You’re his cousin. Bakit parang mas inaalala pa niya ang ibang tao kaysa sa ‘yo?”
“Hayaan mo na. Ganun talaga ang pinsan kong ‘yon…” kapag may gustong purmahan.
It’s just a pity that Audrey was already married. Wala na itong pag-asa pero kahit walang asawa si Audrey, wala na talagang pag-asa si Xander. Hindi ba nito nakita ang suot ni Audrey na singsing?
“Ibabalik ko lang ‘to,” sabay kuha ni Mia ng pinagkainan nito.
Tumango si Audrey. Kapagkuwan napatingin siya sa cellphone nang umilaw ito.
‘What do you want for dinner?’
Natawa si Audrey. Tanghali pa lang at katatapos niya lamang na kumain pero nagtatanong na si Emerson kung anong gusto niyang hapunan? Natigilan siya bigla. She felt happy because Emerson seemed to care for her.
“Is this how it feels to be cared for?”
She felt comfort and ease.
Sana lang sooner or later, hindi magbabago ang trato sa kaniya ni Emerson. She hopes that Emerson will always be nice to her.