“YOU'RE GETTING MARRIED?!” Napatayo pa si Mia pagkatapos makita ang wedding invitation. Audrey gave her a wedding invitation. Hindi pa siya naniniwala kaya naman binuksan niya ito at nagulat siya nang makita ang pangalan ni Audrey. Audrey pulled Mia to sit down. “Hinaan mo ang boses mo. Nakakahiya.” Aniya saka tinignan ang mga kapwa nila estudyante sa canteen. Ilan sa mga ito ay napapatingin sa kanila mas lalo na kay Mia na napalakas ang boses nito. “Totoo?” Naninigurong tanong ni Mia. Tumango si Audrey saka ipinakita ang engagement ring na suot. “Woah,” namangha si Mia. Parang ngayon niya lang nakita si Audrey na isinuot ang singsing nito kaya ngayon niya lang nalaman na ikakasal na ito. Muli niyang tinignan ang wedding date. “These were three days later.” Audrey nodded. Mia looked

