AUDREY had just finished cleaning the penthouse when the doorbell rang. Nagtaka naman si Audrey kung sino ang bisita dahil wala naman siyang inaasahan. Nang makalapit siya sa pinto, sumilip siya sa peep hole. Emerson advised her that she should look for the person first before she opened the door. Ligtas naman daw ang building na kinaroroonan nila pero iba pa rin ang nag-iingat, which she agreed.
Nagulat si Audrey nang makitang ang ina ni Emerson ang nasa labas. Mabilis niyang binuksan ang pinto. “Mom.”
Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Emma nang makita niya si Audrey. Niyakap niya ang manugang. “Hi, my dear.” Bati niya.
“Mom, pasok po kayo.”
Pumasok naman si Emma sa loob ng penthouse.
“Where’s Emerson?” tanong ni Emma.
“Pumasok po sa trabaho,” tugon ni Audrey. “Wala po kasi akong klase ngayon kaya hindi po ako lumabas.”
Napatango si Emma. “Forget about my son. Hindi siya ang sadya ko. Ikaw ang sadya ko.”
“Ako po?” Itinuro ni Audrey ang sarili. “Upo po kayo.”
Ibinaba ni Emma ang dala sa may center table saka pinaupo si Audrey sa tabi niya. “Kumusta ka, anak? Okay ka lang ba rito?”
Tumango si Audrey. “Okay lang naman po ako rito. I feel comfortable living here.” Actually, she felt this penthouse was her home.
Ngumiti si Emma. “Mabuti naman kung ganun. Gusto kitang kamustahin kaya pumunta ako rito. But I can see that you’re okay.”
Audrey smiled.
“Anyway, I have brought something for you.” Kinuha ni Emma ang paper bag na inilagay niya sa center table saka ibinigay kay Audrey.
“Ano po ‘to?” tanong ni Audrey.
Mabilis na pinigilan ni Emma ang manugang nang balakin nitong buksan ang paper bag. “Anak, saka mo na buksan kapag nakaalis na ako.”
Nagtaka naman si Audrey pero tumango na lamang siya at sinunod ang kaniyang mother-in-law.
Ngumiti si Emma saka hinaplos ang buhok ni Audrey. “If you have difficulty, don’t hesitate to ask for our help, okay? You’re part of our family now, Audrey.”
“Salamat po, Mommy.” Audrey was touched. These were the words she had never heard before. The words she wanted to hear from her own family, but they never happened. The way that Emma hugged her earlier, it was the kind of embrace she was longing for. The kind of embrace from a mother she always seeks.
Tumango si Emma saka tumayo. “May pupuntahan pa ako kaya aalis na ako. Talagang binisita lang kita.”
“Thank you po sa pagbisita.”
Ngumiti si Emma saka umalis na.
Nang makaalis ang biyenan ni Audrey, tinignan niya ang laman ng paper bag. Binuksan niya ito saka inilabas ang laman. Lumaki ang mata niya nang makita kung ano ang laman paper bag.
It was a sexy nightgown.
Mabilis na ibinalik ni Audrey ang nightgown sa loob ng paper bag. Itinago niya ito sa parte ng closet na hindi madaling makita. Nakakahiya kapag nakita ito ni Emerson. Baka isipan pa nito na aakitin niya ito.
Napailing na lamang si Audrey. “Emerson’s mother was naughty sometimes. Emerson was right.” Natawa siya saka naligo na lamang.
Since she doesn’t have a class, Audrey takes out her painting materials to paint. Wala siyang kasama sa penthouse buong maghapon. Audrey did read her notes later for her upcoming exam. She needs to study to get good grades.
‘Baby, I’ll be home late. I have overtime. Don’t wait for me.’
Audrey sighed after reading Emerson’s message. Tinignan niya ang nilutong pagkain. Nagkibit siya ng balikat saka tinakpan ang mga ito. Alam niyang hindi kakain si Emerson kapag overtime nito maliban na lamang kung may dinner meeting ito sa labas. Alam niyang kakain ito mamayang pag-uwi nito. Hindi pa naman siya gutom kaya pumasok na lamang siya sa kwarto saka nag-shower.
After a shower, she went back to the living room and read a book. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya nang marinig niyang bumukas ang pinto.
“Baby, didn’t I tell you not to wait for me?” said Emerson when he saw his wife sleeping in the living room.
“Nakatulog pala ako.” Bumangon si Audrey saka umupo sa sofa.
Emerson undressed his coat and sat on the sofa. He removed his shoes and his wife brought his slippers to him.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Audrey.
“Hindi ka kumain?” balik na tanong ni Emerson.
Umiling si Audrey.
“Then let’s eat, and we’ll rest.”
Tumango si Audrey saka tumayo. Accidentally, she tripped and fell on Emerson.
When Audrey fell, Emerson caught his wife and let out a ‘hmph’ sound.
Audrey was stunned and her eyes widened. Napahawak na lamang siya sa balikat ni Emerson habang si Emerson ay napahawak sa beywang niya. Magkadikit ang katawan nilang dalawa at ramdam nila pareho ang kanilang puso na mabilis ang t***k nito.
Emerson smiled. “Are you okay?”
Napakurap si Audrey saka binalak ang tumayo pero hindi siya nakaalis sa posisyon niya dahil sa braso ni Emerson na nakapalibot sa beywang niya.
“I’m okay. I tripped.”
“I know. I’m here to catch you.”
Bahagyang natigilan si Audrey. Parang may ibang ibig sabihin kasi ang sinabi ni Emerson pero ayaw niyang mag-assume.
Kapagkuwan napako ang tingin ni Emerson sa labi ng asawa. Napalunok siya habang nakatitig sa labi ni Audrey. Her lips were so alluring that he was tempted to kiss them. But he didn’t want his wife to become uncomfortable, so he forced himself to look away.
Audrey pushed herself to get up. “I’ll prepare our dinner.” Then she ran towards the kitchen.
Humugot ng malalim na hininga si Audrey saka napahawak sa tapat ng kaniyang puso. Napapansin niyang nitong mga nakaraang araw abnormal ang reaksiyon ng puso niya sa tuwing malapit si Emerson sa kaniya.
Audrey tried to act normal while she was having dinner with her husband. Pareho silang tahimik, hindi katulad ng mga nakaraan na nag-uusap sila sa tuwing magkasama sila sa hapagkainan.
Audrey felt awkward because of what happened earlier. At isa pa wala naman siyang alam na sasabihin kaya naman tahimik lamang siya. Not until Emerson spoke.
“Baby, when will you change your surname?”
Natigilan si Audrey saka napatingin kay Emerson. “Change?”
Tumango si Emerson. “We are married, and you should change your surname to Montenegro.”
Napakamot ng batok si Audrey. “Pasensiya na pero hindi ko pa kasi maharap na asikasuhin. I have my upcoming exam and I will be busy the following month since the university has a lot of activities. Then after Christmas was my OJT. I didn’t have time.”
Ngumiti si Emerson. “It’s okay. I will do it for you.”
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Audrey. “Talaga?”
“I have connections. I can use them to speed up the process,” said Emerson confidently.
“Then thank you in advance, Mr. Montenegro.”
“Welcome, Mrs. Montenegro.”
Audrey blushes. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi pa rin siya sanay sa bagong titulo ng buhay niya. Right, she is now Mrs. Montenegro.
AUDREY SPENT THE FOLLOWING DAYS taking her exam. Mabuti na lamang at nag-aral siya kaya hindi siya gaanong nahirapan sa mga exam.
“Sa wakas natapos na rin,” wika ni Mia nang matapos ang huling exam nila.
Audrey smiled. “Oo nga. Makakatulog na rin ako ng maayos.” Aniya.
Mia pouted. “It was just a midterm exam pero madugo na. Paano pa kaya sa final exam?”
“Then let’s study harder,” sagot naman ni Audrey at inilagay sa loob ng bag ang hawak na ballpen.
“Audrey! Mia!”
Sabay na napatingin ang dalawa sa tumawag.
Hindi pinansin ni Audrey si Xander na pumasok sa loob ng room nila kaya naman si Mia ang pumansin.
“Ano na naman?” tanong ni Mia sa pinsan.
“Let’s go out and eat. Treat ko.”
Tumaas ang isang kilay ni Mia. “Anong nakain mo at naisipan mong manlibre? For the first time in history, Xander Flores will treat me to dinner. Pero hindi naman talaga ako ang rason ‘no?” tanong niya saka sumulyap siya kay Audrey.
Napakamot ng batok si Xander saka nagnakaw ng sulyap kay Audrey.
Mia sighed. “Dahil kay Audrey?”
“I want to treat her. Help me, cousin.”
Umiling si Mia. “If I were you, I would not set my eyes on her.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Xander. “May boyfriend ba si Audrey? Pero nagtanong na ako sa iba, wala naman daw. And that’s what you told me also.”
Ngumiti si Mia. Ayaw niyang umasa ang pinsan niya. “Boyfriend, wala. Asawa, meron.”
Nagulat si Xander. “Asawa? May asawa na si Audrey?”
Mia pointed Audrey’s finger. “Hindi ka naman siguro bulag para hindi makita ang suot niyang singsing.”
Xander was disappointed. “I thought she was single.”
Napabuga ng hangin si Mia. “Bakit hindi mo ba nahalata na hindi ka niya pinapansin sa tuwing gusto mo siyang pansinin?”
“Akala ko way niya lang ‘yon para kunin ang atensiyon ko.”
Mia rolled her eyes. Hinampas niya si Xander gamit ang bag niya. “Ang kapal rin ng mukha mo, eh, ‘no?”
Napakamot na lamang si Xander ng batok.
“Pero sino ang asawa ni Audrey? Baka naman hindi maayos ang trato niya sa kaibigan mo.”
Napabuga ng hangin si Mia. “Huwag mo ng alamin kung sino ang asawa ni Audrey. Baka hindi mo kakayanin.” Aniya saka itinulak ang pinsan. “Umalis ka na nga.”
“Hindi ako aalis. Katatapos lang ng exam. Let’s go out and have dinner. Ayain mo si Audrey.”
“Xander,” Mia warned.
“I know. I know,” Xander said. “It was just a simple dinner. Nothing else.”
Mia pointed to her cousin. “Siguruhin mo lang.”
Xander nodded.
“Okay,” Mia looked at Audrey. “Aud, let’s have dinner. Xander’s treat.”
Sasagot sana si Audrey na hindi siya sasama pero nabasa niya ang mensahe ni Emerson. May dinner meeting ito sa labas kaya hindi na siya nito masasabayan sa dinner. Tumingin siya kay Mia saka tumango.
Mia smiled. “Let’s go.”
“Let’s go.”