ABALA si Audrey sa trabaho nang may tumawag sa cellphone niya. It was an unregistered number. Wala sana siyang balak itong sagutin pero sinagot niya pa rin kasi baka importante. “Hello.” “Nasa café na ako sa tapat ng studio.” Mabilis na napatingin si Audrey sa café na nasa kabilang gilid ng kalsada. “Anong kailangan mo?” “Gusto kitang makausap.” Ani Debbie. Pinatay ni Audrey ang tawag pero pumunta siya sa café pagkatapos niyang magpaalam sa boss niya. Pinayag naman siya nito. “Anong kailangan mo?” tanong ni Audrey nang makaupo siya sa tapat ni Debbie. Naglabas si Debbie ng cheque at inilagay sa harapan ni Audrey. “I’ll give you five million. Leave Emerson.” Tumaas ang sulok ng labi ni Audrey saka tinignan ang cheque. Kinuha niya ito. “Like what I had expected. You’re just a go