Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa loob ng bulwagan kung saan magaganap ang isa sa mga makasaysayang paligsahan sa mata ng Siyensa. Tahimik kong sinipsip ang basi sa aking kamay. Nakita ko mula sa gilid ng aking mga singkit na mata ang mga lalaking nakatingin sa akin at nagdalawang-isip kung lalapit. Tumalikod ako at pinaikutan sila ng mga mata. I feel suffocated inside the godforsaken hall. Umaalingawngaw ang tunog ng orkestra at ang pinaghalong boses ng mga tao sa paligid. Lahat sila ay galing sa marangya at maharlikang pamilya. Karaniwan ay mga tanyag na mga dalub-aghan, manlilikha, at imbentor. Hindi ko mapigilang maramdaman na tila kinakain nitong ingay ng unti-unti ang aking sistema. Kaya naman napagdesisyunan kong tumungo muna sa beranda. Gaya ng inaasahan ko ay walang tao. L