Kabanata 119 Lastrel POV Dahil sa pag-ulan kanina at malakas na hangin ay lumaki ang alon, napilitan kami na huwag masyadong patakbuhin ang bangka upang hindi matumba, nang humupa na ang ulan ay saka ulit namin ito pinatakbo nang mabilis. Nakarating kami sa isla, tumingin ako sa mga tauhan, "let's inspect the house." Sabay turo sa bahay na tila yari sa salamin. Tumango naman sila at mabilis namin iyon na tinunton. "Young Lady?" Pagtawag ko nang nasa loob na kami, tumungo ako sa ikalawang palapag kung saan nakasalubong ko ang isang tauhan namin, "wala po akong nakita, ito lang." Saad niya sabay pakita sa device na nagko-kontrol kay Young Master. Kumunot ang noo ko, bigla akong nakaramdam ng pag-aalala dahil sa aking nakita. "Find them!" Utos ko sa mga tauhan, "nandito lang sila..." Tum