Kabanata 99 "Young Lady, one of the prisoners are insisting to be your mother." Saad ni Vonrogue, dahil dito'y tila nagising ang diwa ko. Right. Mom. Siya ang rason kung bakit nangyari ang plano noon, to save her. I forgot her because of the many things I've encountered. Lalo na ang pagtraydor sa akin ng mafia ko and the next things that happened afterwards. Mom's here. My heart leapt, tumayo agad ako na tila iyon na ang pinaka-obvious na dapat gawin at agad na tumakbo papunta sa kulungan. Pinagbuksan naman ako ng mga gwardya sa labas upang pumasok sa main facility kung saan lahat ng mga dati kong tauhan ay nakakulong. Habang naglalakad ako ay tanaw ko ang mga traydor kong mafia na nakakulong sa kanilang kwadra, it makes me remember how I freed them after they were caught by Liham, tem