"Alam mo may kutob talaga ako na may tinatago yung Kathy na 'yon" hindi pa rin makalimutan ni Emm 'yung babae kahapon na bisita ng mommy niya. "Bakit naman?" tanong ni Lennie na diretso ang tingin sa minamanehong kotse ni Emm. Buti na lang ay alam pa niyang magmaneho kahit 25 years na ang nakakaraam. Pupuntahan kasi nila ang dati nilang bahay at umaasa siyang makikita niya doon ang anak at asawa. Nagdahilan na lamang siya sa mommy Jessa ni Emm. At pasalamat niya dahil pinayagan siya kahit na kagagaling lang niya sa ospital. Sinabi naman niyang mag-iingat siya. "Basta!" kunot-noong sambit ni Emm "Nga pala, 'pag nakita mo ang asawa mo maghunos dili ka ha?" pag-iiba nito ng topic. Hindi umimik si Lennie. Ang totoo hindi niya din alam kung ano ang gagawin kapag makaharap niya ang asawa. Mi