"Mommy san niyo dadalhin si Donna?" usisa ni Jullie nang makitang binibihasan ng Mommy nito ang batang tulala. "Sa magiging mommy niya anak," simpleng sagot ni Kathy. "Kathy siguraduhin mo lang na tama ang mga pinagagawa mo," nang-uusig na wika ni Patring sa kapatid. Alam kasi nito ang pinagagawa ng kapatid. Natigilan si Kathy. Pagkuway tumayo. "Isipin niyo na lang na para sa inyong lahat 'to!" at mataray na sabi niya. Sunod ang marahas na paghila na sa maliit na kamay ni Donna para umalis na sila. Narinig pa niyang tinatawag siya ng anak na si Jullie pero nagbingibingihan siya. Nasa tapat na siya ng kotse nang kunin niya sa bulsa ang cell phone. "Jessa, gawin mo ngayon ang plano!" makapangyarihan niyang utos sa tinawagan kahit hindi pa nakakapag-hello. "Hindi ko ata kaya, Miss Kathy