42 Dumating si Jessa sa kanyang dormitoryo na magulo ang iilang gamit niya sa loob dahil nga sa paghalugbog sa kanyang silid ng mga pulisya, may mga naka-display na kailangan niyang ibalik sa dati, nang tuluyan siyang nakapasok sa silid niya agad niyang sinara ang pinto at pinatong sa kanyang kama ang bag niyang dala. Wala na ang mga pulis sa buong paligid ng dormitoryo, inisip na lang ni Jessa na umalis na ito para asikasuhin sa opisina ang trabaho nito, mali ang akala niya na babantayan ang buong gusali ng dormitoryo, masyadong maraming nangyari sa araw na ‘yon, muli siyang napasulyap sa cellphone niya na may tumatawag. Akala niya yong unknown number uli pero nabasa niya ang MAMA sa screen ng cellphone niya kaya agad niya itong sinagot at tinapat sa kanyang tenga, “hello ma.” “Buti na