45 Katulad ng dati hindi na magiging normal ang takbo ng buhay ng mga dormitorian, kalat na naman ang mga pulis sa paligid, nag-iiyakan na mga dormitorian, nasa labas silang lahat para hintayin ang paghahalogbog sa kanilang mga silid sa nangyari, pagkatapos n’un ay isa-isa na naman silang tinanong ng mga pulis, halos kilala na ni Jessa ang dalawang pulis na nagtatanong sa kanila si PO1 Jane at Dante. Malakas ang pagaspas ng hangin sa labas habang naghihintay sila, pinanood na lang ni Jessa ang papaalis na ambulansya kong saan dala ang kalahating katawan ng biktimang dormitorian, ang isa pang problema ng mga ka pulisan ay nawawala ang kalahati pa nito. Naramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay kaya napasulyap siya kong sino ‘yon, si Jeremy lang pala na nakatingin sa kanya na may halo