47 Hindi makalimutan ni Jessa sa kanyang nalaman, isang araw na ang nakakalipas nang sabihin sa kanya ni Jeremy na si Stephanie ang nagpapakita sa kanya, sinabi sa kanya ng binata na wag masyadong isipin ang mga nakikita nito sa paligid pero hindi niya mapigilan, ang daming lumalabas na tanong sa kanyang isipan, kong ito ba’y may kinalaman sa pagkawala ni Rica? Bakit nagpapakita sa kanya si Stephanie? Minsan lang naman ito magparamdam sa kanya kong sakaling malapit siya sa laboratoryo, inisip niyang umiwas na muna siya doon, mukhang pati siya’y na apektuhan sa nangyayari. Pabalik na siya sa dormitoryo para magpahinga dahil tapos na rin ang klase niya, bawat araw na magdaan, nawawalan na siya ng gana. Natigilan siya nang may mabunggo siyang iba, “ay sorry,” nang makita niya kong sino ito,