25 Pinagmamasdan ni Jhade ang labas ng manor simula nang makarating sila doon ng ina niya, kaunti lang ang gamit nilang dala, kong ano lang ang nakuha nila sa pagtakas mula sa ama ay ‘yon lang ang nadala nila, dahil naawa siya sa kanyang ina sumama siya dito. Simula kasi nang matanggal ang ama niya sa pagiging pulis dahil na dawit ito sa masamang bisyo, madalas na ring maging mainitin ang ulo ng ama kaya sila ang napapagdiskitahan, madalas ding saktan ang kanyang ina ng ama niya, kahit din siya ay minsan ding pagtanggaan ng buhay ng ama, pero dahil hindi siya papatalo ay nakipaglaban siya dito, nagkaroon ang ina niya at siya na tumakas sa kanyang ama nang wala ito sa bahay at nakikipag-inuman sa isang barangay. Hindi nila alam kong saan sila pupunta kaya nakarating sila sa malayong lugar