35 “Bakit ka naman na andito at saka paano mo nalaman pangalan ko?” mataray na tanong ni Jessa habang siya’y tumatayo, binitawan din niya ang librong hawak niya at nag-cross arm. “Nakita ko sa labas yong id library mo, so kaya nalaman ko, galit ka parin ba sa akin dahil sa nangyari kagabi, alam mo kalimutan muna lang ‘yon, ok aminin na nating kasalanan ko, pero sorry.” Sabi ng binata sa kanya, “ano bang gusto mo? gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo?” hindi pa sumasagot si Jessa sa tanong sa kanya ng binata agad na itong lumuhod sa harapan niya at pinagdikit ang dalawang palad na animoy nagdadasal sa harapan niya. Napataas ang isang kilay ni Jessa, hindi man niya makalimutan ang ginawa sa kanya ng binata pero hindi naman siya ga’nung kasama para hindi patawarin ang binata sa ginawa nit