37 Napasulyap siya sa binatang papalabas sa dormitoryo ng mga lalaki, tuluyan nang nawala ang iniisip niya na hindi rin nasagot, bahagyang nagulat sa kanya ang binata nang makita siyang na andoon pero binigyan siya ng ngiti at kinawayan. Katulad kahapon gusto niyang iwasan si Jeremy hangga’t maari, hindi siya tumugon sa ngiti at kaway sa kanya ng binata. Agad siyang tumakbo para sa kanyang pagjogging, pero hindi niya inaasahan na sumasabay na pala ito, ilang beses siyang sumulyap kay Jeremy habang tumatakbo, binibigyan lang siya nito ng ngiti, kaya agad niyang iniwas ang tingin, para na siyang nakikipag-karera sa binata kong makapagjogging siya, ang jogging niya ay nagiging mabilis na mas sinasabayan pa ng binata. Nakalabas na sila ng hallway sa nurse building at nakarating sila sa field