14 Minadali ang libing ng tito at tita niya. Pati na rin ang kay Marvin na ang nag-asikaso ay ang pamilya nito, hindi na siya magugulat na galit sa kanila ang pamilya ng binata dahil sa nangyari. Nasa sementeryo silang lahat, puros sila nakasuot nang kulay itim na damit, ga’nun din ang kulay ng bistida niya at pati na rin ang sombrero niyang suot. Hindi tumagal ng dalawang araw man lang ang burol sa bahay nila, pagkatapos n’un ay pinabasbasan ang bahay nila. Pero hindi sigurado si Jessa kong aalis na ang mga kaluluwa sa manor nila dahil sa basbas. Pagkatapos ng maikling mesa at basbas sa kanilang manor, agad siyang dumiretso sa taas ng palapag. Ramdam niya ang lungkot ng bawat isa dahil sa nangyari, ang dating maingay na bahay ay naging tahimik kahit na marami namang nakatira doon. Paaky