16 1977 Hindi makapaniwala ang buong Clara sa nangyari kay Perry na anak ni Theodor, mas lalong hindi makapaniwala ang ina nitong si Millie, gusto sanang isekreto ni Theodor ang lahat sa pamilya, pero na isip niyang kailangan din itong malaman ng pamilya niya lalo na ang asawang si Millie. Ang dilim ng dati’y masaya nilang tahanan, naging tahimik ang lahat, mas ang kinahina ng asawa ni Theodor ito, hindi na kumakain, hindi na halos makatulog, madalas niya itong mahuling umiiyak mag-isa, na siya namang kinahina niya. Hindi niya lubos maisip na magbabago ang lahat, isang linggo ang nakakalipas nang ilibing ang anak nila, hindi na niya na aasikaso ang mga anak at hindi na muna siya tumatanggap ng pasyente. Hindi pa maintindihan ang mga anak niyang bata kong anong nangyayari kaya binilin n