22 Pagsara na pagsara niya ng pintuan agad siyang bumaba sa sahig at sumandal sa pintuan, narinig naman niya ang tatlong katok sa pintuan, nagtataka siya kong bakit ang bagal ng sunod-sunod ng katok, kaya napataas ang isa niyang kilay. “Jess,” narinig niya mula sa labas ang boses ng binata na tumawag sa kaya mula sa labas ng silid. Huminga siya ng malalim at muling tumayo, binuksan niya ang pintuan at nakita niya ang nakangiting binata sa kanya, binigyan din niya ng ngiti ang binata para hindi makita kong ano ba ang lungkot ng damdamin niya sa mga oras na ‘yon dahil sa nalaman niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi yakapin ang binata, bahagyang nagulat sa kanyang ginawa ang binata dahil nakatayo lang ito, hanggang sa maramdaman din niya ang pagyakap nito sa kanya at paghaplos nit