Chapter 5

1105 Words
5 Pangalawang araw na ni Jessa sa St. Luke at pangatlong araw na niyang uuwi sa manor house ng lolo niya. Malaki ang pasasalamat niya dahil kong di dahil sa binata kahapon baka kong ano namang ginawa niya, hindi na lang niya pinapansin ang mga nang inis sa kanya noong unang araw niya sa St. Luke. Paakyat siya ng hagdan papuntang palapag nang marinig niya ang pamilyar na musika sa kanya, madalas din niyang pakinggan ‘yon sa kanyang cellphone, The Beauty and the Tragedy by Trading Yesterday. Agad niyang sinundan kong saan nang gagaling ‘yon hanggang sa huminto siya sa isang pintuan na makikita sa pangalawang palapag, isang double door. Tinapat ni Jessa ang tenga niya doon, napangiti siya at tinulak ang pintuan para mabuksan, may isang hagdan pa siyang nakita, bago siyang tuluyang umakyat doon, sinara na muna niya ang pintuan, rinig na rinig na niya ang musika sa loob, umakyat siya ng hagdan, sampung hakbang bago siya tuluyang makaakyat sa pinakataas, silid pala itong napuntahan niya, silid sa attic, napakalawak nito, pero kakaunti lang ang gamit. “Nagustuhan mo yong tugtug kaya ka naparito ‘no,” napasulyap siya sa binatang nakaupo sa railings at nakatingin sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinila siya papunta sa mismong loob. “Parang ga’nun na nga, nakikinig ka pala niyan, alam mo bang paborito ko yan,” sabi ng dalaga, napasulyap si Jessa sa kama ng binata, “pwede ba akong umupo?” Tumango si Jhade, “sige lang, kahit saan ka dyan umupo ayos lang, nililinis naman ‘to ng mama ko kaya malinis dito.” Umupo naman si Jessa at nilapag sa sahig ang bag niya, “ang luwag pala ng attic, bakit dito mo gustong gumamit? Marami pa namang available na silid sa baba ah.” “Mas gusto ko dito, kasi tahimik, ako lang nakakaalam sa mga ginagawa ko.” Sabay ngiti ni Jhade. Nagtaas ng kilay si Jessa, “nagdrugs ka ba?” Natawa na lang si Jhade sa tanong ng dalaga, “ako nag-da-drugs?” sabay turo sa sarili at tumabi sa dalaga sa kama, “hindi ‘no, hindi ko balak sirain yong buhay ko, marami akong balak gawin, marami akong pangarap, gusto ko pang magkaroon ng sariling buhay, sariling pamilya.” Sabay ngiti ni Jhade kay Jessa. Agad naman na nang iwas ng tingin si Jessa, para siyang napapaso sa mga titig ni Jhade, hindi niya na papansin kahit na bago pa lang niyang kakakilala sa binata, parang nagiging malapit na siya doon nang hindi niya namamalayan, parang nabali din ang sinabi niya sa kanyang sarili na hindi siya makikipagkaibigan kahit kanino. “Bakit pala hindi kita nakikita sa school kahit na isang beses, akala ko ba magkamag-aral tayo?” pag-iiba ni Jessa sa usapan. “Iba kasi ang oras ng pasok natin sa bawat subject kaya siguro hindi tayo nagkikita, mas maaga nga ang klase ko sayo at mas maaga din ang uwi ko sayo, kaya hindi rin tayo nagkakasabay.” Tumango tango na lang si Jessa, “gusto mo bang sumabay ng pasok minsan, aagahan ko gising ko para sayo, sumabay ka sa amin ni mama.” Suwestyun ni Jessa, pinatong naman ni Jhade ang isang kamay nito sa ulo ng dalaga. “Wag na, ayos na ako na mag-isa pagpapasok, musta naman yong mga nang bubully sayo?” saka naman inalis ni Jhade ang kamay niya at kinuha ang kanang kamay ni Jessa para tignan sa pulso nito kong ayos na ba ang sugat nito. “Ok naman na, ako na lang ang umiiwas pagnakikita ko sila.” “Yong sugat mo, ayos na ba ‘to?” tanong muli ng binata. “Hindi pa ga’ano pero nilinis ko na yan at pinalitan ng benda pagkatapos kong maligo sa umaga.” Sabi ni Jessa. “Gutom ka ba o may gusto ka man lang kainin?” tanong muli ni Jhade. Umiling-iling si Jessa at humiga sa kama ng binata kaya nabitawan siya ni Jhade sa pagkakahawak, nagbago din kanta sa radio, sa pagkakataon na ito para siyang nakaramdam ng antok, nagpadagdag pa ang lambot ng kama ng binata. Gusto pa sana niyang magsalita pero nilamon na siya ng antok at pinikit na lang niya ang mga mata, huli niyang nakita sa binata ang titig nito sa kanya at ngiti. NAALIMPUNGATAN SI JESSA nakita niya ang hindi pamilyar na kisame sa kanya, ang kakaibang amoy, hindi amoy ng silid niya, agad siyang napabalikwas, dilat na dilat pa siya nang tumingin kay Jhade na naka-indian seat pa sa dulo ng paanan niya. Bumagsak ang kumot na nakapatong sa kanya, nakaramdam siya ng hiya at pag-iinit ng pisngi, saka niya naalala na nakatulog pala siya kanina, pero imbes na mainis sa kanya ang binata, nakangiti pa ito sa kanya. “Sorry, Jhade kong nakatulog ako sa kama mo, mukhang hindi ka pa ata natutulog, siguro hinihintay mo akong magising.” Napasulyap siya sa wall clock lalo siyang nagulat na alas una na pala ng madaling araw, agad siyang umalis sa kama ng binata at tumayo. “Sorry talaga, nakiangkin pa ako ng kama na hindi naman sa akin, sorry talaga Jhade,” hiyang hiya siya sa mga oras na ‘yon. Ngumiti lang si Jhade sa kanya, “ayos lang, hindi rin naman ako makakatulog kasi alam mo bang ang likot mo pala matulog,” biro ng binata kay Jessa kahit hindi naman totoo kaya lalong nahiya si Jessa. Kinuha ni Jessa ang bag niya, “sorry talaga,” pero bago pa man siya makatalikod sa binata, hinatak siya nito pabalik sa kama para mapaupo siya. “Joke lang naman ‘yon, ‘to naman hindi mabiro,” sabay tawa ni Jhade, “ayos lang naman na matulog ka dito, pero baka hinahanap ka na ni mama mo, bumalik kana sa silid mo, basta wala sa akin ‘yon na natulog ka dito, masasanay rin ako.” Para naman nakahinga ng maluwag si Jessa sa kabaitan ni Jhade, napangiti siya sa unang pagkakataon. “Salamat,” may kong anong pagbilis ng t***k ng puso niya na hindi niya mawari kong anong dahilan. Ngumiti din sa kanya si Jhade, pinatong na naman ng binata ang isang kamay sa ulo ni Jessa, sa tuwing gagawin ‘yon ni Jhade kay Jessa, nakakaramdam ng paggaan ng pakiramdam ang dalaga. “Sige baba na ako, para makatulog kana rin ng maayos. Good ni---I mean good morning,” sabay tawa ni Jessa. “Good morning,” bati din ni Jhade bago tuluyang lumisan si Jessa sa silid ng binata, may kong anong saya ang nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD