“KUMUSTA si Naya?” malamig na bungad sa akin ni Mr. Pedeglorio nang bisitahin ko siya at harapin naman niya ako. Noong araw na inaresto siya at dinala sa presinto, halos hindi niya ako kausapin. He did not have to mention his disappointment towards me. Ramdam ko iyon pero, kahit ganoon, nagtawag ako nang magagaling na abogado na hahawak ng kaso niya. Importante siya kay Naya kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan. “She’s fine. Hindi ko muna siya pinapapasok sa university. Nagpapahinga lang siya sa bahay." “H’wag mo na lang siyang papupuntahin dito.” Sandali akong natigilan bago tumango. "All right. Kakausapin ko siya. You don’t need to worry about her. I can assure you that she's safe.” “Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala sa kalagayan niya lalo na ngayon na nangyari ito." Natigilan