“ANO ‘to? Anong ibig sabihin nito?” Hindi ko napigilang pagtaasan ng boses si Connie sabay tapon ng asul na invitation card sa ibabaw ng mesa ko. Lumarawan ang takot at pagkalito sa anyo ni Connie. “S-Sir Eric… invitation po ‘yan para sa birthday party mo-” “Yes! Party? Para sa birthday ko pero, hindi ko alam?” Halos pandilatan ko siya. Napanganga ang seketarya ko. Now, she looked more surprised than scared. “S-Sir Eric… imposibleng hindi mo alam ang tungkol diyan. Si Miss Belle ang nag-oorganize ng party na ‘yan. I also mentioned it to you twice.” “Twice?” di-makapaniwalang ulit ko. Umiiling na tumawa ako sa sinabi niya. “Niloloko mo ba’ko, Connie? Paano nangyaring sinabi mo sa akin ng dalawang beses pero, hindi ko alam? O nagpapalusot ka lang?” “No, Sir!” mariing tanggi niya. “Bina