Kabanata 46

1572 Words

PAGLABAS ko sa banyo ay naabutan kong nakaupo sa gilid ng kama si Naya at hawak ang cellphone. Halata ang pag-aalala sa mukha niya kaya nagtanong agad ako. “Have you talked to him? What did he say? ” Umiling siya. “Hindi kasi sumasagot sa tawag ko si Ninong Marty. I also texted him pero, walang reply.” Lumapit ako at tinabihan siya ng upo sa kama. “Maybe he’s busy. Hayaan mo na muna. Pwede naman bukas, ‘di ba?” Tumango lang siya. Kinuha ko sa kamay niya ang cellphone niya at ipinatong sa night table. Humarap ulit ako kay Naya. “Will you eat chicken intestine again?” “Why not?” Imbes na sumimangot ay nagkibit na lang ako ng balikat. I failed to forget about it. Hindi ko kasi napigilan panoorin si Naya habang inuubos ang ilang stick ng isaw na binili kanina at naalala ko talaga ‘yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD