HINDI ko napigilang mapangiti nang pagmulat ng mga mata ko ay ang gwapong mukha ni Eric ang una kong nasilayan. Nakasandal siya sa hamba ng pintong papuntang terrace. He was topless, exposing his lean and muscular body. His hair was messy. Inililipad ang ilang hibla noon ng hangin na pumapasok sa hotel room. He looked like a Roman god. Nakapasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng suot na pajamas at nakatunghay sa akin. “Good morning.” Ramdam ko ang pagkislap ng mga mata ko sa bati niya. I could tell na pinanonood niya ako habang tulog. “Good morning. Kanina ka pa ba gising?” Tumango siya. Umalis siya sa pagkakasandal at lumakad papunta sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama at patuloy na pinagmasdan ako. Nanatili akong nakahiga at pinanonood siya. Mabilis na bumalik sa alaala ko a