"Miss Sandoval?" Napa-angat ang ulo ko nang marinig kong tinatawag ako ng bank teller. Agad akong tumayo at saka nagmamadaling lumapit sa kanya. Lunch time na at nakakaramdam na din ako ng gutom. Pero hindi ko muna iniintindi ang tiyan ko. Ang nasa isip ko ay maka-abot ako sa RTC branch para matapos ko na ang pag-proseso ng pagpiyansa kay Tito Hernan. "Kayo po si Miss Sandoval?" nakangiting tanong nito sa akin. Nakangiti akong tumango. "Kakausapin daw po kayo ng Branch Manager," nakangiti pa ding sabi nito. Pero ako, yung ngiti ko, biglang napalis. Napalitan ng kaba. "M-May problema ba?" tanong ko sa kanya. "Doon na lang po sa cubicle na yun, Mam," magalang na sagot nito sabay turo sa du