[Klarence] "Klarence.... yung phone mo. Ang ingay...." inaantok na reklamo ni Chad na nasa tabi ko. Kaming dalawa na lang ni Chad ang nandito sa Cebu. Umuwi na kahapon sa Manila si Judd at Adam. Bukas ay babalik na sa Amerika si Judd at as usual, si Adam ang dakilang taga-hatid nito sa airport. At hindi ko alam dito kay Chad, bakante naman na yung kabilang kama pero sa akin pa din nakasiksik. Lumabas pa kasi kagabi ng resort itong taong ‘to, eh. Hindi ko alam kung anong oras na siya umuwi. Panigurado, babae na naman ang kasama nito kagabi. "Hello, Hernandez...." ["Nandito na ko sa Cebu, Mr. Montenegro. At nakakuha na ako ng permit para ma-view yung mga road cctv na posibleng dinaanan nung kotseng bumangga kay Ms. Sandoval."] "Okay. Good.