[Klarence] May ten minutes na siguro akong umiikot dito sa mall pero hindi ko pa rin nakikita ni dulo ng buhok ni Annika. Medyo marami na din ang kasi ang tao. Marami na ang bumibili ng mga panregalo nila sa Pasko at kabi-kabila na din ang mga Christmas parties. Nakakaramdam na ako ng gutom. Siguro ay kakain muna ako nang mabilis para maituloy ko uli ang paghahahap kay Annika. Nang pagliko ko sa pasilyo ay nakita ko si Annika na may kausap na lalaki. Tila nagtatalo pa ang mga ito. Kitang kita ko nang hawakan nito si Annika sa braso niya. Agad na nag-init ang ulo ko. Akala ko ba sila ni Duncan? Sino naman ‘yung lalaking ‘yun? Bahagya akong nagtago at saka tiim-bagang na pinagmasdan sila mula sa puwesto ko. Nakita kong naka