"I don't want anyone else to have your heart, kiss your lips, or be in your arms, or be the one you love. I don't anyone to take my place..." Masakit na tama ng araw sa pisngi ko ang nagpagising sa akin. Bigla akong napabalikwas ng bangon. Tanghali na ko! Araw ng sabado ngayon at may bulk guest ngayon ang resort. May nagpa-book sa aming seminar na sponsored ng mayor ng Toledo. Nilingon ko ang katabing espasyo sa kama. Bakante na ito. Asan na si Klarence? Hindi man lang ako ginising! Humanda sa akin ‘yun pag nakita ko!! Naiinis na agad akong tumayo na at agad na nagtungo sa banyo para sa isang mabilisang pagligo. "ASAN si Klarence!" Napalingon lahat ng resort staff na nasa kusin